bc

My Secretary Is My Ex Wife

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
family
HE
fated
opposites attract
second chance
drama
sweet
bxg
serious
witty
campus
office/work place
childhood crush
friends with benefits
addiction
office lady
assistant
like
intro-logo
Blurb

Divorced, moved on… and now she’s his secretary—what could possibly go wrong?Years after their messy divorce, Kate and John have moved on… or so they thought. Until she shows up as his new secretary. Chaos, laughter, and old feelings collide in this hilarious and emotional reunion.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sa kanyang harap ay rinig ang pag-turn off ng computer at ang pag-usog ang upuan. Sunod n'on ay sumilip sa kaniya. "Ms. Kate.. Hindi ka pa ba uuwi?" Napaangat ng tingin si Kate papunta sa nagsalita, si Ms.Rose iyon, isa sa mga emplyado na madalas late din umuwi. Hindi sila masyadong close, pareho lang silang madalas mag-overtime. Pero wala ng mas tatalo kay Kate pagdating sa overtime. Kulang na lang ay dito na siya tumira sa opisina. "Sige na, Ms. Rose. Ako na ang magsasara." "Sure ka?" napatingin ito sa orasan ng office. "6:00pm na." Ngumiti si Kate at tumango. "Marami pa akong kailangan tapusin eh. Kailangan daw ito ni Ma'am Bianca at least tonight." paliwanag niya, kaya napabuntong-hininga ito. "Haay.. si Ma'am Bianca talaga. Ang hilig talaga magprabaho ng late. Feeling ko eh gumaganti 'yon kasi ikaw ang napiling ilipat doon sa isang branch. Expected niya talaga na siya ang ilalagay doon eh." kumento pa nito kaya, muli, tipid na ngiti lang ang iginanti niya sa katrabaho. "Hayaan mo na.. gusto ko rin naman na maayos na ito, bago man ako mailipat, ganti ko na lang kay Ma'am bilang matagal ko rin naman siyang naging Manager. Alam mo naman, strict si Ma'am sa trabaho pero mabait din naman 'yon." sagot niya at sumangayon naman ito sa kaniya. "Kung sabagay.. o siya, sige na mauna na ako ulit Ms.Kate. Ito pala ang susi. After mo diyan umuwi ka na baka mahirapan ka na naman makauwi." "Yes.. ingat ka rin, Ms. Rose." paalam niya, at nang makalabas na ito ay muling bumalik ang tingin niya sa kaniyang ginagawa. Pero kasabay din non ay ang pagpatay ang ilaw sa buong palapag. "Ay!... akala na naman siguro ni Manong Balong na wala ng tao." aniya at bumalik na lamang sa ginagawa. Muli sa gabing iyon ay ang ilaw ng computer niya lamang ang makikita sa silid. Pero kahit pa, nagpatuloy pa rin siya sa pagtapos ng documents na kailangan niyang ibigay sa kaniyang boss Bukas ng umaga. Lumipas ang oras, hanggang sa hindi niya mapansin na 10pm na pala. Napabuntong-hininga siya at dali-dali na pinadala na ang email ng documents sa kaniyang boss, sunod ay agad na nagligpit para makauwi. Nagulat pa ang Maintenance na si Balong at Kuya Bert na nagkakape sa may pinto ng makita siya. "Hala! Ma'am Kate.. nandito ka pa pala?" sabay na tanong ng dalawa. "Anong oras na, Ma'am oh, overtime po ulit?" "Opo eh.. kailangan eh, di bale po, sinara ko na yung office, yung susi is binalik ko na lang doon sa front desk, Mauna na po ako." "Okay, Ma'am. Mag-iingat ka Ma'am!" kumaway ang dalawa. "Kayo rin po! ingat ko kayo dito." kaway nya pabalik pagkatapos ay dali-dali pumara ng tricycle pauwi. Mag-aalas onse na nang makauwi siya, medyo malayo rin ang bahay niya sa opisina. Dalawang sakay ng tricycle ang kailangan para makauwi siya. Nakapatay na ang ilaw ng bahay ng makarating siya. Dahan-dahan na pumasok sa loob, nag-iingat na baka may magising siya, ngunit nang makarating siya sa may kusina ay laking gulat niya ng may kamay na lumitaw at bigla siyang inabutan ng maiinom. "Diyos ko po Kengkeng anong ginagawa mo dyan?!" gulat niyang sabi at binuksan ang ilaw. Doon ay nakita niya ang kaniyang maliit na kapatid na may hawak na isang baso ng tubig na para sa kaniya. Gulo-gulo ang buhok at madungis ang mukha na mukhang may nilantakang chocolate. "Water, Ate? Para maganda sleep mo." anito sa kaniya bago inabot ang tubig. "Ginulat mo ako! bakit gising ka pa ha?!" aniya bago ininom ang tubig na iniabot nito sa kaniya. "Anong oras na oh?" "11pm na po." sagot nito pabalik bago niya ito nilapitan at pinunasan ang bibig. "Alam ko na 11 na ng gabi, ang gusto kong malaman ay bakit ka pa gising?" "Kasi nga, hindi pa ako tulog, Ate." Sinimangutan niya ito pero deep inside ay natatawa talaga siya. Kahit kailan ay napakabibo talaga nitong kapatid niya. "Hay Naku! ikaw talaga. Seryosong sagot ang gusto ko. Dapat natutulog ka na, at ano itong nilantakan mo na naman? gabi na hindi ka na dapat kumain ng chocolate ma-hyper ka talaga. Sino ba nagbigay nito sayo?" tanong niya habang nakatingin sa box ng chocolate na nasa mesa. "Edi saan pa ba, dyan sa ref. Ilang araw na ito nandyan wala naman kumakain. Bukas pustahan tayo pupunta na naman si Kuya Mike para magbigay ng chocolates. Kung ayaw mo ibigay mo na lang sa akin ha? pero ito ate ang seryosong tanong din? kailan mo sasagutin si Kuya Mike? Ang tagal na niyang nanliligaw sa'yo." anito pa habang nakapamewang, akala mo ay mas matanda sa kaniya. "Ikaw.. ang dami mong nalalaman, walang sasagutin, dahil ikaw matutulog ka na. Tulog na sila Nanay kaya dapat tumabi ka doon." aniya at pinisil pa ang pisngi nito. "Pero kasi Ate.. wala pa si Tatay eh. hinahanap nga siya ni Nanay kanina." Napabuntong-hiniga siya. "Hayaan mo na ang Tatay, babalik din iyon, baka nasa mga kainuman niya. Tara na, palitan muna natin 'yang damit mo at matutulog na tayo." aniya at agad na inasikaso ang kapatid upang itabi sa Nanay nilang natutulog na. Hinalikan niya ang noo ng kaniyang inay at tinabihan muna si Kengkeng para makatulog ito. At ng sigurado na siyang hindi na bubuntot pa sa kaniya ang makulit na kapatid ay lumabas siya at nag-ayos muna sa may sala at maghugas ng maduduming pinagkainan sa may lababo. Pinakain niya rin ang pusa nilang si Mingming. Sakto naman na bumukas ang pinto at doon ay nakita niya ang kaniyang Itay na dahan-dahan pang binuksan ang pinto. "Welcome home, Tay." Aniya at inabutan ito ng tubig. "Ay Kate! nandito ka na pala, Anak. Kanina ka pa?" "Inumin mo na 'yang tubig para wala kang hangover bukas." aniya sa kaniyang ama. "Ginabi ka na rin. Timplahan mo nga ako ng kape anak." anito at nilagok ang tubig. Ugali na nitong magpatimpla ng kape kahit gabi pa, tila hindi na tumatalab. Pero magtataka ba siya? ang matapang na alcohol nga ay parang wala lang dito. Kape pa kaya?. "Busy sa opisina? kailan nga ulit ang lipat mo anak? nabanggit sa akin ng Nanay mo na lilipat ka raw ng branch?" "Sa lunes, Tay. Kailangan ko pa mag-endorse bukas eh. Tapos diretso na sa lunes, bali hindi na ako mag-dadayoff kasi naka-fix naman na ang sched ko na weekdays lang ang pasok." sagot niya habang pinagtitimplahan ito ng kape. "Mas maganda pala ngayon, mababantayan mo maigi ang Nanay mo sa weekends. Teka? mas malaki ba ang offer? dapat mas malaki, lalo pa at matagal ka na rin naman dyan sa branch niyo. Baka mamaya pumayag ka na ganon-ganon na lang, dapat matagal ka ng manager d'yan." "May additional incentive lang Tay. Medical na makakatulong kay Nanay saka may educational benefits sa kapatid ko." aniya at iniabot ang kape . "Yon lang? dapat nagpadagdag ka pa, para naman may extra tayong budget. Oo nga pala, tutal usapang budget, nagkulang yung pambili kanina ng gamot ng nanay mo, sirado kasi yung butika na kinukuhaan natin. Mabuti na lang din at nagkita kami ni Mike doon, ayon nagbigay na lang siya. Napakabait talaga ng batang iyon." "Tay naman.. sana hindi niyo na tinanggap." aniya at napailing. "Sana nag-text ka na lang po sa akin ako na ang namili." "Sus! ayos lang iyon, hayaan mo lang siya, nanliligaw siya sa'yo kaya dapat lang din yon. Ikaw naman kasi, maayos naman na binata iyon si Mike. Bakit ayaw mo pa kasi sagutin? Ay ngayon na fixed na ang pasok mo at magiging bakante ang sabado at linggo, may time ka na makipag-date sa kaniya, sasabihan ko para makalabas kayo sa sabado. Matagal nang ipinapaalam sa akin non na i-date ka. Busy ka lang, kaya maganda kung ilaan mo na ang sabado sa kaniya." "Hindi ako pwede, Tay. Day-off ko yon." "Edi mas maigi.. mag-didate kayo basta." makulit na sabi nito. "Tay naman!" "Wag ka na mag-inarte anak, trenta ka na ngayon, wala ka ba balak na magpamilya? May kaya naman 'yon, saka kumpare ko Tatay niyang nasa abroad. Kapag ikinasal na kayo aba wala na tayo magiging problema. Baka ipetition ka, tapos i-petition mo kami. Tiyak! mas magiging maganda ang buhay natin doon sa Amerika. Naitanong ko nga rin yan kay Kumpare, wala naman daw problema." "Tay... please... wag kayong nagiisip ng ganyan. Basta kapag nakita ko si Mike ibabalik ko yung pera na ibinigay niya. Wala akong balak na sagutin si Mike Tay, dahil may iba akong plano for now. At hindi muna doon kasama ang pag-boboy-friend o asawa." "Sus! parang hindi ka naman ikinasal noon. Edi kung hindi mag-work out, idivorce mo. Napakadali na ngayon. Mas lalong magiging madali kung sa US kayo mag-didivorce. Tsk.. ewan ko ba sa'yo.. kung hindi mo lang isinauli ang---" "Tay, please. Tama na. Gusto ko ng magpahinga, papasok na po ako sa kwarto." putol niya sa ama at saka nagmano. Napailing na lamang ang kaniyang ama, nagsalita pa ito pero hindi na niya narinig, ayaw na niyang marinig pa. February 14, 2027.. naaprobahan ang Divorce sa Pilipinas. Ang araw na iyon ay araw ng pag-ibig, araw ng bagong simula sa iba lalo pa sa mga taong nagmamahalan, maraming nag-propose, maraming kinasal, pero sa araw na rin na iyon ay maraming pagsasama rin ang nagwakas. Ginhawa sa iba, pero bangungot din kung iisipin lalo pa sa mga nagmahal na hindi nila akalain na ang minsang pangarap ay may wakas din pala. Bata pa siya ng maikasal noon, edad 25. Pero hindi nagtagal ay kailangan nilang tapusin. Para sa ikabubuti at ikakatahimik ng lahat. Ngayon, simple siyang namumuhay kasama ng mga magulang niya, at ang nagiisang kapatid niyang si Kengkeng. Pero kung tatanungin siya, mas gugustuhin na niya ang buhay na ganito. Mahirap, nakakapagod, pero tahimik.. sakto lang ang pamumuhay.. kahit papaano ay nakakaraos pa rin. --- "Hi, Kate.. dumaan ka raw sa bahay kahapon? sorry na-lowbat kasi ang cellphone ko eh. Hindi ko nadala ang charger. Sorry talaga, daanan na lang kita sa bahay niyo ngayon. Nandyan ka pa ba?" Basa niya sa mensahe na nasa kaniyang cellphone. Mula iyon kay Mike. Hanggang sa mag-ring ang cellphone niya, tumatawag ito kaya sinagot niya. "Hello?" "Hello, Kate! nandyan ka pa? gusto mo hatid na kita sa work mo? nabalitaan ko sa Tatay mo na ngayon ang first day mo roon." Napabuntong-hininga siya, "No thank you, Mike. Nandito na ako. Dumaan lang naman ako sa inyo kasi ibabalik ko yung pera na ibinigay mo kay Tatay." "Sus, wala 'yon, tulong ko na lang iyon--" "Ibigay mo na lang ang Digicash mo, ita-transfer ko sa'yo." putol niya sa sasabihin nito. At bago pa man magsalita ito ulit ay pinigilan niya si MIke. "Mike please... huwag mo nang binibigyan si Tatay. Hindi kailangan at hindi dapat. Saka, sana itigil mo na ang panliligaw mo. Sinabi ko naman sa'yo na wala sa interes ko ngayon ang pakikipagrelasyon kaya please stop." "Bakit naman Kate? bigyan mo lang ako ng pagkakataon--" "Hi, Ms.Malvar?" sabi ng babae na ngayon ay nasa harap na niya, hindi na niya narinig pa ang sunod na sinabi ni Mike at agad na ibinaba ang telepono sunod ay hinarap ang babaeng nasa harap niya. Naka coat ito at palda, mukhang elegante at mukhang mataas talaga ang pinag-aralan. "Yes po?" aniya at napatayo siya. "I'm Cecile, HR Head, and I'm here to accompany you to your office. So let's go?!" Agad siyang tumango at sinundan ito. "Nakapagusap naman na kayo ni Ms. Alma kanina ano?" tumango siya, "Did she show you around? and nasabi na rin sa'yo ang job description mo?" "Opo." "Good.." ngumiti ito, "We're really glad na pumayag ka to be transfered here, we all know na dapat si Ms.Bianca dapat, kaso we realized na matagal na siyang manager doon sa office branch. Parang magiging malaking adjustment sa kaniya kung mag se-secretarial work ulit siya dito. We checked for recommendations and we saw your profile. We think na fit ka talaga to be the new executive secretary of our Company's President." Hindi na siya nakasagot, sa totoo lang ay kanina pa lumilipad ang utak niya. Bahala na si Batman. Basta gagawin niya ang best niya ngayon na kabilang na siya sa kumpanyang ito. "So.. here's the office." anito at pumasok sila sa isang malawak na silid na may receiving area. May table roon na tila para sa kanya. "Here's your working area, I think you know what to do." anito at napatingin siya sa malawak na table na may mamahaling computer set. "I will introduce you to the president. I think he'll be here in a few minutes-" pagsabi nito ni Ms.Cecile ay sakto naman na bumukas ang elevator. "Oh he's here." May ilang sinabi pa si Ms.Cecile pero tila hindi na niya iyon narinig dahil natuon na ang kaniyang pansin sa may elevator. Halos manlamig ang buong katawan niya matapos makita sa harap niya ngayon ang isang pamilyar na mukha. Mukha ng lalaking naging parte ng buhay niya, ang lalaking hindi niya lang minahal, kundi ang lalaking pinakasalan niya. Isang mukha na hindi niya inasahan na makikita mulit makalipas ng limang taon. "Ms. Kate, meet the company's president, Mr. John Rafael Del Monte." Sa isipan ni Kate.. There's no need for introduction, because he is my ex husband. Kung may tao man na nakakakilala sa kaniya, ay ako 'yon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
316.8K
bc

Too Late for Regret

read
340.3K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.8M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
146.7K
bc

The Lost Pack

read
453.6K
bc

Revenge, served in a black dress

read
156.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook