Habang inaabot ang pulang rosas na kagat-kagat ni Ana, gamit din ang bibig ni Aldrin ay muli na namang binulabog ng napakalakas na hiyawan ang buong atrium ng LGC Company, na siya ring dahilan ng hindi maipintang mukha ni Kaye. “Talagang ginagalit mo akong babae ka, ha!” galit ba bigkas niya sa kan’yang sarli. Pagkatapos rumampa ni Ana ay dinagsa ng napakaraming customer ang kanilang cosmetic booth na nasa loob ng Atrium ng kompanya nila Aldrin. Dahil sa pasabog na iyon ni Ana ay marami ang nagpapa-picture sa kan’ya at humihingi ng autograph. Habang busy si Ana sa pag e- entertain ng kanilang mga customer ay biglang lumapit si Kaye sa kan’ya, habang dala-dala nito ang isang baso ng wine. “Bravo!” Sambit ni Kaye habang pumapalakpak. “Lakas din talaga ng loob mo kanina, ‘no? Grabeh! Ku

