"Napakawalang hiya mo talaga Aldrin! Huwag mo akong isama sa mga babaeng pinaglalaruan mo!" Pahikbing sabi ni Ana sa kan'yang sarili habang siya'y naglalakad palabas ng dressing room. Nilibot ni Ana ang buong Patio ng LGC CORPORATION, sa 'di-kalayuan ay tanaw n'ya ang isang familiar na mukha ng isang magandang babae na nakaupo sa isang wheelchair sa tabi ng mini garden ng kompanya nila Aldrin. "Teka, bakit parang familiar sa akin ang mukha niya?" Aniya sa sarili, habang papalapit sa babaeng nakaupo. At nang nakalapit na si Ana sa babaeng naka-wheelchair ay nagulat siya nang makita ito ng malapitan. "Mrs. Lee?" Mahinang boses na bigkas niya. "Mrs. Lee, Ikaw nga! Kumusta po kayo? Ako po ito si Ana, minsan na rin po tayong nagkita noon sa hospital" Masayang wika ni Ana. "Alam niyo po ba

