Isa't kalahating taon ang lumipas simula ng pumanaw ang kuya Ethan ni Ana. Mahigit isang taon din niyang inaaral ang LGC CORPORATION at iba pa nitong mga business partners, from President down to Department Heads. Handang-handa na si Ana sa muli niyang pagbabalik sa kompanyang minsan ng napamahal sa kan'ya, at ang kompanya na siyang sumira sa buong pagkatao niya. At sa isang taon na iyon, ay iniukol lamang niya ang kan'yang mga oras para sa kan'yang anak at sa kan'yang sarili. "Anak, naaalala mo ba 'yong pinag-usapan natin kagabi?" Aniya sa anak. "Ma'am! Yes ma'am!" Sagot ng bata, sabay salute kay Ana. "1, Tomorrow is your first day of work" "2, Makinig si Edrian kay Nanay Marta" "3, Huwag magpapasok ng bahay kapag hindi kilala" Masiglang wika niya. "Very Good! Galing na ng baby

