Pagkatapos mag impaki ni Ana ay agad na silang umalis sa kanilang bahay papunta sa address na binigay sa kan’ya ng kan’yang kuya Ethan.
Habang binabaybay ni Ana ang daan, hindi niya napigilan ang kan’yang pag-iyak, humahagulgol siya hanggang marating nila ang lugar.
Pagdating nila Ana ay sinalubong sila ng caretaker ng bahay.
Habang ina-arrange ni Ana ang kanilang mga gamit ay biglang tumunog ang kan’yang cellphone.
“Saan po ba ito na hospital? Sige po, papunta na po ako.” Wika ni Ana sa kausap niyang nasa kabilang linya.
Iniwan muna ni Ana ang kan’yang anak sa caretaker ng kanilang bahay upang puntahan ang kan’yang kuya na nasa hospital.
Pagdating ni Ana sa hospital ay agad siyang nangtungo sa room na binigay sa kan’ya ng nurse na nasa nurse station.
Habang papalapit na siya sa room na binigay sa kan’y, laking gulat niya ng makita ito, dahil ang room na pinag stay-han ng kan’yang kuya Ethan ay room ng mga pasyente kun’di isang morgue.
“Hindi! Hindi ito maaari!” Malakas na bulyaw ni Ana.
Pagbukas ni Ana ng pintuan ay bumungad sa kan’ya ang isang katawan na nakabalot ng puting kumot. Kaya dahan-dahan niya itong nilapitan at habang nanginginig ang kanyang buong katawan.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang puting kumot na nakabalot, nang makita niya ang mukha nito,
"Kuya! Bakit mo kami iniwan! Ang daya-daya mo! paano na kami ng pamangkin mo! kuya!!” Impit niyang daing dahil sa kirot na nararamdaman ng kaniyang puso.
Nanggagalaiti sag alit si Ana sa mga oras na iyon, palaisipan sa kaniya kung sino ang bumaril sa kaniyang kapatid.
"Ipinapangako ko sa ‘yo, kung sino man ang gumawa nito sa atin, sisiguraduhin kong magbabayad sila! Hindi ko palalagpasin ang ginawa nilang ito sa atin!” galit na sambit ni Ana, habang yakap-yakap ang bangkay ng kaniyang kuya. “Ipaparamdam ko sa inyo ng doble ang sakit na ginawa ninyo sa pamilya ko!” sigaw niyang bigkas.
Isang linggo ang lumipas simula nang nilibing ang kan’yang kuya.
Habang inaayos ni Ana ang mga gamit nila sa bago nilang tinitirhan ay bigla niyang naisip ang ibinilin sa kaniya ng kan’yang kuya.
Kaya dali-dali niyang kinuha ang itim na bag na ipinatago sa kan’ya.
Ano kaya ang laman nito bakit parang ang importante nito kay kuya?” Aniya sa sarili.
At nang binuksan ni Ana ang bag, ay nakita niya ang isang laptop at flash drive sa loob nito. Kaya hindi na nagdalawang isip si Ana at binuksan niya agad ito.
"Teka! Ano ‘tong mga ito? Audit report ito ni kuya noon sa kompanya ni Aldrin ah” wika ni Ana.
Dahil minsan na ring nakagawa ng mga reports ni Aldrin si Ana noon, ay madali niyang naiintindihan ang laman ng mga files na nasa folder ng laptop. At habang tinitingnan niya ang ibang folder ay nakita niya ang isang flash drive, at agad niya itong kinabit sa loptop.
Dahil sa kuryusidad ni Ana, agad niyang binuksan ang folder na nakapangalan sa kaniya. Biglang tumulo ang kaniyang mga luha nang makita niya ang mga laman nito.
Mga pictures niya na kasama ang kaniyang mga yumaong magulang at mga kapatid.
Habang patuloy si Ana sa panunuod nang mga sweet moments nila ay biglang nag popped-up ang isang "enter password" sa files na kan’yang pinapanood, laking gulat ni Ana nang makita iyon, at dahil hindi niya alam ang password ay inisa-isa nalang niya ang kanilang mga birthdates.
Nilagay na ni Ana lahat nang kanilang birth date pero hindi pa rin ito nabuksan. Kaya sinubukan niya ang birthdate ng kanyang anak na si Edrian.
‘Edrian birthdate’ “password correct"
At nang nabuksan na ni Ana ang folder gamit ang birthdate ng kan’yang anak ay napaiyak siyang muli.
"Mahal na mahal mo talaga ang pamangkin mo kuya, salamat sa lahat-lahat ng sakripisyo mo para sa amin ng anak ko. Kuya, paano nalang kami ni Edrian ngayon? Hindi ako sanay ng wala ka sa tabi namin. Kuya, alam kong magkasama na kayo ni kuya Elton at nila tatay d’yan sa langit, Please po, huwag ninyo kaming pabayaan ng anak ko, gabayan ninyo kami, alam kong nakikita ninyo kami ngayon” Hikbing wika niya.
“Itay,inay, kuya, sobrang miss na miss ko na kayong apat” Aniya habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.
‘Successfully download’
Habang tinitingnan ni Ana ang mga downloadable files ay nagulat siya ng makita ang mga ito.
“Ano naman ‘tong mga ito? Teka! mga audited Financial Reports ito ni kuya sa LGC Corporation ah!” Sambit niya sa sarili.
- Undeclared Sales amounting 8 Billion php
- Over expenses without receipts amounting 10Billion pesos. Requested by Dir. Sanchez
Signed by: CFO Head-Kaye Sanchez.
Nanlaki ang mga mata ni Ana nang makita ang lahat na mga nakabinbin na mga Audited Financial Statement ni Ethan sa LGC Corporation.
Habang ini-explore pa niya ang iba pang mga folder ay nakita niya ang isang files na halos mga vedios, kaya inisa-isa niya itong binuksan.
Video 1: Kaye Sanchez vs. Dir. Sanchez
Dir. Sanchez: “Kaye! bilisan mong kumilos, dapat magpakasal na kayo ni Aldrin sa lalong madaling panahon! At’ yong marriage proposal na yon kanina, sana wedding ceremony nalang iyon eh! Alam mo bang usap-usapan ngayon sa kompanya ang pagiging close niya sa Personal Secretary niyang iyon? At balita ko, unti-unti ng gumagaling ang mama niya! Pano kung tuluyan nang gumaling at magising ‘yon! eh di masasayang lang ang lahat na mga pinaghirapan natin dito!”
Kaye: “Dad, don't worry, ako na ang bahala kay Aldrin, at doon sa secretary niya? Huh! No worries about her. Ngayon ka pa ba hindi magtiwala sa akin? Baka nakakalimutan mo, kung hindi ko sinira ang break ng sasakyan ng mama niya eh, sana wala siya ngayon sa hospital.
At doon naman sa secretary niya, malabo na ‘yong makakalapit pa siya kay Aldrin, binilog ko na ang ulo ni Aldrin, pinaniwala ko siya na may boyfriend na ‘yong secretarya niya!”
Dir. Sanchez: “Paano kung mabilog ulit ng secretaring iyon ang ulo ni Aldrin,ha!?”
Kaye: “Dad, huwag kang mag-alala, sabi ng mga tauhan ko, pupunta daw sila ng palawan bukas, kaya ako na bahala, ipag-paubaya mo nalang sa akin.”
-end of first vedio-
Lugmok ang mga balikat ni Ana ng mapanuod ang vediong iyon.
“Mga hayop kayo! Walang hiya ka talagang babae ka! humanda ka sa akin! Pagbabayaran ninyo ang lahat ng ginawa ninyo sa pamilya ko! Iisa-isahin kong sisingilin ang mga kahayopang ginawa ninyo sa pamilya ko!” Wika ni Ana.
Vedio 2: Kaye vs. Adrian
Kaye: “Hon, kailan ba tayo magpapakasal? Hihintayin paba nating magising si tita?”
Aldrin: “Baka nakakalimutan mo Kaye, minsan mo na rin akong sinaktan, saan na ba ang boyfriend mo, bakit hindi siya ang yayain mong magpakasal sa ‘yo?!”
Kaye: “Hon, ‘di ba sabi ko sayo na wala na kami ni Gabriel? Teka, huwag mong sabihing may gusto ka na rin doon sa secretary mo? Pero sa tingin ko, malabo ka niyang magustuhan, kitang-kita ng dalawang mata ko ang paghahalikan nilang dalawa ng boyfriend niya! At doon pa talaga sa loob ng room ni Tita Savy ha?!”
-end of first vedio-
Vedio 3: Ethan on live.
“Hello bunso, mahal na mahal ka ni kuya ha, tandaan mo ‘yan, mahal na mahal ko kayo ng pamangkin ko. Nagulat ka sa password ng files na ito no? Nagulat ka ba dahil hindi birthdate mo ang password? (sabay smile)
“Bunso, kapag napanuod mo na ang lahat ng files na nandito sa laptop na ito, isa lang ang ibig sabihin no’n, meaning, aalis na si kuya at hindi na muling babalik pa. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ni’yo na ako makakasamang muli ng pamangkin ko. Ito lagi ang isipin mo, kahit hindi na tayo magkasama pang muli, nandito lang palagi si kuya at laging nakabantay sa inyo. Hindi lang ako, pati na rin si kambal at sina nanay at tatay. Oh ‘di ba ang astig? marami na kaming magbabantay sa inyong dalawa ng pamangkin ko. Basta ito lang ang tatandaan mo ha, huwag na huwag mong papabayaan ang sarili mo at si Edrian, mahal na mahal ko kayo, mahal na mahal namin kayo. I love you always bunso. Hanggang sa muli nating pagkikita.”
-end of vedio-
Ang daya-daya ni’yo naman sa akin eh, Bakit ninyo kami iniwan, kuya miss na miss ko na rin kayo” Pahagulgol na sambit ni Ana.
Habang patuloy sa pag iyak si Ana, ay pansin niya ang isa pang vedio na kaka-upload lang sa laptop.
In-upload ng kuya niya isang araw bago ito namatay.
Vedio 4: Ethan
"Bunso, makinig kang mabuti sa sasabihin ko ha, alam ko, na sa mga oras na ito ay nabasa at napanuod mo na ang lahat ng files na nasa folder ng laptop na ito. Alam kong masakit tanggapin, pero ito ang lahat na katotohanan! Hindi aksidente ang nangyari sa atin noong time na pupunta sana tayo nang palawan. Kagagawan lahat ng iyon ni Kaye at ng daddy niya. Minsan mo na rin nai-kuwento sa akin ang tungkol sa mama ni Aldrin, at alam kong napamahal na rin siya sa ‘yo, ito lang ang paki-usap ko sayo, huwag mong hahayaan na may mangyaring masama sa mama ni Aldrin, dahil alam kong mabait ang mama niya. Mama ni Aldrin ang dahilan kong bakit ako nakapagtapos ng kolehiyo, dahil binigyan niya ako ng full scholarship noon. Alam kong galit ka rin kay Aldrin, pero walang kinalaman ang mama niya. Biktima rin ang mama niya sa kahayupan ni Kaye at ng daddy niya. Dahil gusto nilang kunin lahat ng share sa mama ni Aldrin para mapasakanila ang buong LGC Corporation. Dahil si Mrs. Lee ang may pinakamalaking share sa buong kompanya. Alam kong kaya mo ‘yan bunso. Ikaw pa, ang tapang-tapang mo kaya! May isa pa akong sasabihin sa’yo, ‘yong tungkol sa Bank Loan ko na naka collateral ang bahay natin, hindi ko naman alam na financier pala ng LGC Corp ang bankong ‘yon, nalaman ko nalang ng naka-signed si Aldrin sa demand letter nayon! Kaya bunso, ingatan mo ang sarili mo ha? Si Edrian huwag mong papabayaan. Mahal ka ni Kuya, paki-kiss mo nalang ako sa pamangkin ko. Ba-bye”
"Kuya..!” Malakas niyang sigaw, habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib.
Humanda kayong lahat sa akin! Iisa-isahin ko talaga kayo! mga hayop!” nangininig na tugon ni Ana.
Masakit kay Ana ang mga natuklasan niya. Pero ‘yon ang katutuhanan sa likod ng madilim at masalimuot nilang nakaraan, mga bangungot na kailan ma'y hinding-hindi malilimutan, at mga hinanakit na kay hirap pakawalan. Masakit man, ngunit, kailangan niyang tanggapin dahil may anak siyang umaasa sa kan’ya.
Linggo ang lumipas pagkatapos natuklasan ni Ana ang lahat na mga pangyayaring naganap sa kan’yang nakaraan.
Ni- research lahat ni Ana ang lahat ng mga company branch ng LGC CORP. from Philippines to abroad. Inisa-isa niyang nilista ang lahat ng mga iyon. Pati lahat ng mga Directors, CFO, Accounting Heads, Audit Head, at lahat-lahat ng mga nasa department head ng kmpanyang pag-aari ng LGC Corporation, inisa-isa niyang inaral ang mga ito.
Pati mga Company at businesses ng Sanchez Family ay ni-reseach din niya.
Nakahanda na ang lahat ng mga kakailanganin ni Ana laban sa mga taong umapi at yumurak sa pagkatao ng buong pamilya niya.
Handa na niyang harapin ang mga ito, at handa na niyang paghigantihan ang mga taong naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang buong pamilya.
~ipagpapatuloy~