THREE YEARS LATER..
"Kuya Ethan! Saan mo ba nilagay sapatos ng pamangkin mo! Mala-late na tayo niyan sa mass eh!” Sigaw na sambit ni Ana.
" Hay nako, mama, ayan po ang sapatos ko oh, nasa kamay mo” pangiting wika ng bata kay Ana.
"Buti pa itong bata, ikaw talaga Ana kahit kailan. Gamitin mo naman ‘yang mga mata mo kapag may hahanapin ka ha? Huwag puro bunganga ang gamitin nakakahiya sa anak mo oh.” Pabirong wika ni Ethan.
Pagkatapos nilang magsimba ay dumiretso na silang tatlo sa puntod ng kanilang mga magulang at kapatid nilang si Elton na kakambal ni Ethan.
Three years ago, dahil sa labis na pag-alala ng pamilya ni Ana sa kan’ya dahil sa nangyari sa kanila noon ni Aldrin ay dinala nila siya sa Palawan para mag-outing. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, habang minamaniho ni Elton ang kanilang sasakyan patungo sana sa Airport ay bigla nalang itong nawalan ng break dahilan nang pagsalpok ng kanilang sasakyan sa isang malaking poste.
Death on arrival ang kan’yang nanay, tatay at si Elton, habang siya naman ay nasa critical na kondisyon, samantalang ang kanyang Kuya Ethan ay minor fracture lang ang natamo.
Sa mga oras iyon, dahil nga si Ethan lang ang hindi napuruhan, siya lang mag-isa ang umasikaso sa lahat ng mga gastusin nila sa hospital, lalo na’t si Ana ay nasa kritikal na kondisyon at mahigit isang buwan na nakaratay sa ICU.
TWO YEARS AGO INCIDENTS:
Habang binabantayan ni Ethan si Ana sa Hospital ay bigla siyang pinatawag sa emergency room.
Kailangan ng pasyente ang tatlong bag ng dugo. Dapat siyang masalinan agad, dahil kung hindi, maaari itong ikamatay ng sanggol na nasa loob ng kan’yang sinapupunan.
Pagkatapos marinig ni Ethan ang mga sinasabi ng doctor ay agad na itong bumalik sa ICU kung saan nakaratay si Ana.
“Bunso naman eh, bakit hindi mo naman sinabi sa amin na buntis ka pala” hikbing sambit ni Ethan. “Baby, kumapit ka lang sa mama mo ha, huwag kang bumitaw. Gagawin lahat ni tito para gumaling kayo ni mama mo. Bunso, gumising ka na oh.” Hagulgol na sambit niya.
Habang kinakausap ni Ethan ang walang malay na si Ana ay agad niyang naisipan si Aldrin.
"Walang hiya ka Aldrin! pag may mangyari lang na masama sa kapatid at pamangkin ko! papatayin talaga kitang hayop ka!” singhal niyang sabi sabay sundok sa pader nang hospital.
Hirap na hirap na si Ethan sa mga panahong iyon dahil papalapit na ang araw na binigay sa kan’ya ng doctor para salinan ng dugo ang kan’yang kapatid.
Patawarin mo ako bunso, pero kailangan ko itong gawin, hindi na sapat ang mga naipong savings ko sa banko. Kailangan kong isangla ang bahay natin para madugtungan pa ang buhay mo at ng pamangkin ko.” Sani ni Ethan kay Ana.
Isang linggo ang lumipas isinangla nga ni Ethan ang kanilang bahay sa isang banko. Pagkatapos niyang makuha ang pera ay agad naman niya itong binayad sa bill nila sa hospital, at agad ding nasalinan ng dugo si Ana.
“Safe na ang pasyente at ang sanggol na nasa sinapupunan ng Ina, mga ilang araw nalang at magigising na siya.” Tugon ng Doctor kay Ethan.
Masayang-masaya si Ethan sa ibinalita sa kanya ng doctor sa araw na 'yon.
Pagkalipas nang limang araw ay nagising nga si Ana, kaya laking pasalamat ni Ethan sa panahong iyon.
Nagkamalay na nga si Ana pero hindi pa siya pinayagan ng kan’yang doctor na lumabas ng hospital, dahil kailangan pa nang mainam na monitor sa kan’yang baby na nasa sinapupunan pa niya. At pinayuhan sila nang doctor na maaari lang lumabas si Ana nang hospital pagkatapos niyang manganak.
Walang nagawa si Ethan kung ‘di sundin ang gusto ng doctor, para na rin sa kaligtasan ng kan’yang kapatid at ng kan’yang pamangkin.
Anim na buwan ang lumipas at nagsilang nga si Ana ng isang malusog at napaka-guwapong sanggol na lalaki. At pinangalanan nila itong Edrian.
Masakit man sa kalooban ni Ethan na pangalanan nang Edrian ang sanggol, dahil maalala lang niya ang kanyang matalik na kaibigang si Aldrin, na siyang dahilan nang mabangungot nilang nakaraan.
Edrian ang kan’yang ipinangalan dahil iyon ang kagustuhan ng kanilang tatay, palagi kasi niyang sinasabi sa kanila noon na kapag si Aldrin daw ang mapapangasawa ni Ana at kapag nagkaanak sila ng lalaki ay Edrian ang ipapangalan sa bata.
Isang buwan ang lumipas pagkatapos manganak ni Ana ay tuluyan na nga silang lumabas nang hospital.
“Hay salamat, nakauwi na rin tayo sa bahay.” Wika ni Ana, sabay yakap sa kuya niya. “Thank you sa lahat-lahat kuya, I love you po.” Pangiting wika niya, sabay halik sa pisngi ni Ethan.
“Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang, kaya simula sa araw na ito, move-on na tayo sa lahat ng mga pangit na nangyayari sa atin. At gagawin ko lahat nang makakaya ko para mapabuti ang buhay ninyong dalawa ng pamangkin ko.” Pangiting wika ni Ethan.
Labis ang pagkabahala ni Ethan sa mga sandaling iyon dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Ana ang tungkol sa pagsangla niya ng kanilang bahay.
KASALUKUYAN....
Pagkatapos nilang pumunta sa puntod nang kanilang mga magulang at kapatid ay agad naman silang umuwi, dahil araw din iyon ng kaarawan ni Edrian.
"Happy Birthday, anak.” Ani Ana.
"Happy Birthday pamangkin!” Ani Ethan.
Masaya nilang sini-celebrate ang ika-tatlong taon na kaarawan ni Edrian kahit na sila lang tatlo ang magkakasama ay masaya pa rin sila. Habang kumakain sila ay biglang may kumatok sa labas ng kanilang gate.
"Tao po! Tao po!”
Nang marinig ni Ethan ang boses na nanggagaling sa labas ng kanilang bahay ay bigla siyang kinabahan, sa pag-aakala na collector na naman ng kan’yang mga pinag-utangan.
Pero nang tiningnan na ni Ethan sa labas ay mas lalo pa siyang kinabahan dahil hindi lang basta-basta collector ang pumunta sa kanila, kung 'di ang agent ng banking pinag-sanglaan niya ng kanilang bahay.
“Sir galing po kami ng LGC, last day po ninyo ngayon para bayaran lahat ng interest ninyo na inutang ni’yo sa banko.” Wika ng isang ahente.
“Kung mayroon po kayong mga katanungan pumunta lang po kayo sa office ng LGC, ito po ang last and final demand ng inyong Bank Loan.” Wika ng isa pang agent, sabay abot ng Demand Letter kay Ethan.
Parang bumagsak ang mundo ni Ethan ng mga sandaling iyon.
habang binabasa niya ang demand letter from LGC company ay biglang nanlaki ang kan’yang mga mata ng malaman niya na ang LGC at ang LEE GROUP OF COMPANIES ay iisa lang. Para matiyak ang kanyang hinala sa mga oras na iyon ay agad niyang tiningnan ang last part ng letter, at doon nga niya na kompirma ang kanyang mga hinala.
Last part of the letter:
Please settle your accounts immediately! Signed by: ALDRIN LEE (CEO- LGC Corporation)
Pagkatapos binasa lahat ni Ethan ang letter, ay napasigaw siya sa sobrang galit, na siya namang dahilan ng pag-alala ni Ana.
Mula sa may sala ay tanaw ni Ana ang kan’yang kuya na pilit nitong pinipigilan ang kan’yang mga iyak, kaya agad naman niya itong nilapitan.
ANA : Kuya, okay ka lang ba? sino ba yon?
Lingid sa kaalaman ni Ana na ang kanilang bahay ay isinangla ng kan’yang kapatid at malapit na itong ma-remata.
“Bunso, wala ng dahilan pa para ilihim ko sa ‘yo ang lahat ng ito.”Wika niya, sabay abot ng letter kay Ana.
Habang binabasa ni ana ay unti-unting pumapatak ang kanIyang mga luha.
"Patawarin mo si Kuya bunso, wala na kasi akong ibang maisip sa mga oras na ‘yon, gusto ko na gumaling kana noon. At lalo no’ng nalaman ko na buntis ka, kaya hindi na ako nag dalawang-isip na isangla ang titulo ng bahay at lupa natin.” Hikbi niyang sabi.
“Wala ka namang dapat ihingi ng sorry sa akin kuya eh, ako pa nga dapat ang mag sorry, ng dahil din naman sa akin kaya mo ‘yon nagawa” Pahagulgol niyang wika, sabay yakap ni Ana sa kaniyang kuya.
Kinabukasan, habang natutulog pa sina Ana at anak niyang si Edrian, ay nagmamadali namang umalis si Ethan dala-dala ang demand letter na galing sa kompanya ni Adlrin.
Sa halip na pera ang dadalhin ni Ethan sa kompanya ng LGC Corp. ay bit-bit nito ang galit, puot at hinanakit niya para kay Aldrin!
“Napakahayop mo talaga Aldrin! Makita lang kita ngayon babasagin ko talaga iyang pagmumukha mong gago ka!” Singhal niyang sambit sa sarili. "Hindi mo pa nga nababayaran lahat ng mga kasalanan mo sa kapatid ko, tapos ito kana naman hayop ka! Kung alam ko lang na ikaw rin pala ang financier ng bankong ‘yon naghanap nalang sana ako nang ibang mapagsanglahan ko ng titulo ko!” galit niyang sambit.
Dahil minsan na ring naging Accounting Head si Ethan sa kompanya kaya kabisadong-kabisado na niya bawat sulok nito.
Nang marating na niya ang opisina ni Aldrin ay tanaw niya ang signage sa labas ng pintuan na mayroong nakaukit na pangalan:
ALDRIN LEE
Chief Finance Executive
LGC Coproration
“Huh! CEO mo ‘yang pagmumukha mo!” Singhal na sambit ni Ethan sa sarili habang binabasa ang signage ni Aldrin.
At dahil kilala rin si Ethan nh mga guards ay agad naman siya nitong pinahintulutang pumasok sa opisina ni Aldrin kahit wala na itong appointment letter.
Pagbukas ni Ethan sa pinto nang office ni Aldrin ay nagulat siya nang makitang si kaye ang naka-upo sa table ni Aldrin.
Magkakilala rin silang dalawa dahil minsan na rin silang magkasama sa iisang department noon.
“Hey Ethan! How are you? Na- receive mo na ba ang letter?” Wika ni Kaye.
Laking gulat ni Ethan nang marinig iyon mula kay Kaye.
“Pasensiya na Ms. Kaye ha! Pero hindi ikaw ang sadya ko, kaya ako nandito dahil gusto kong makita si Aldrin!” Galit na sambit ni Ethan.
“Hindi ka na nga pala-employee rito kaya hindi mo na alam ang chart flows ng kompanya, well, wala rito si Aldrin, nasa US siya ngayon dahil may expansion ang LGC doon. Pero puwede mo namang sabihin sa akin kung ano ang sadya mo sa kanya.” Aniya. “Hindi lang naman ako director dito Ethan, ako rin ang Chief of Finance sa buong LGC! Kaya kung ano man ang gusto mong sabihin kay Aldrin, sabihin mo na sa akin!” insultong sabi ni kaye kay Ethan.
“Wala akong pakialam kung ano ang posisyon mo dito Kaye, baka nakakalimutan mo! minsan din tayong naging Audit Head sa kompanyang ito! At mas alam ko ang galawan ng mga Directors dito kaysa sa ‘yo! Lalong-lalo na ang director head dito!” Bulyaw na sambit ni Ethan, na ang tinutukoy niya ay si Dir. Ted Sanchez na siya ring Daddy ni Kaye. "Huwag ako ang banggain mo Kaye, dahil marami akong alas laban sayo! At alam ko rin kung sino ang nagpatanggal sa akin dito!” Sumbat na bigka ni Ethan kay Kaye sabay labas ng office.
At nang nakalabas na si Ethan ng opisina ni Aldrin, agad tinawagan ni Kaye ang kaniyang mga tauhan.
“Hello! nasaan kaba? Bakit nakapasok ang Ethan na iyan dito sa office! Paano nalang kung si Aldrin ang naabutan niya dito! Alam mo gago ka talaga eh ‘no?! sayang lang binabayad ko sa inyo! ‘di ba ang sabi ko sundan ninyo siya palagi, at tawagan ninyo ako kung saan siya pumupunta! Mga inutil!” Bulyaw ni kaye sa kausap na nasa kabilang linya.
Habang minamaniho ni Ethan ang daan pauwi ng kanilang bahay ay pansin niya ang nakabuntot na sasakyan mula sa kaniyang likuran, kaya dali-dali niyang kinuha ang kaniyang cell phone at tinawagan ang bunsong kapatid na si Ana.
“Bunso, makinig kang mabuti sa sasabihin ko ha, impakihin mo lahat ng mga gamit ninyo ni Edrian, kailangan ninyong umalis diyan ngayon din, pumunta kayo sa address na ese-send ko sa ‘yo. Mayroong backpack sa ilalim nang kama mo, kunin mo iyon at dalhin mo. Itago mo ‘yan at dapat walang ibang makakaalam niyan maliban lang sayo, dahil magagamit mo ‘yan laban sa mga taong gustong manakit sa iyo.” Seryosong wika niya. “Lahat ng mga kakailanganin ninyo ni Edrian ay nandoon na rin sa bahay na pupuntahan ninyo.” nagmamadaling tugon ni Ethan.
“Teka sandali kuya! Ano ba ang pinagsasabi mo? Kuya? nasaan ka ba ngayon, kuya! Ku..”
"Bang!bang!bang!”
Tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ni Ana sa mga oras na iyon, dahilan ng pagkaputol ng linya ni Ethan.
Pagka-off ng cell phone ni Ana ay agad niyang natanggap ang message na mula kay Ethan. Isang address na sinasabi ni Ethan na pupuntahan ni Ana kasama ang anak na si Edrian.
“Kuya!!!” Isang nakabibinging sigaw ang pinakawalan ni Ana ng malaman ang nangyari sa kaniyang kuya Ethan.
~ipagpapatuloy~