Fifth monthsary namin noon.
Every monthsary namin ni Aldrin ay pumupunta kami sa hospital at doon namin seni- celebrate kasama ang mama niyang nasa hospital pa. Limang buwan na kaming mag boyfriend-girlfriend pero ang pagkakaalam ng pamilya ko ay nililigawan pa lang ako ni Aldrin, at dahil malakas si Aldrin kay tatay ay agad naman nilang pinayagan ito na ligawan ako.
Masaya kami ni Aldrin sa limang buwan naming pagsasama bilang mag boyfriend-girlfriend, kapag mayro'n kaming mga bagay na hindi mapagkasunduan ay agad naman naming naayos at minsan lang din kaming nag-aaway.
Malaki ang ipinagbago sa kalusugan ng mama ni aldrin, malaking tulong sa kaniya ang palagian naming pagbisita at palagiang pagbabasa ko ng mga libro sa kan'ya.
Habang nagbabasa ako nang story book sa mama niya, hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala si Aldrin. Kaya hinayaan ko nalang siyang matulog katabi ang ina niya.
Masaya ako sa mga oras na iyon habang minamasdan ko silang dalawa, habang si Aldrin naman ay nakayakap sa nanay niya.
Hinayaan ko nalang muna silang magkatabi, at doon ako sa may sofa nakaupo habang binabantayan silang dalawa.
Habang hinihintay ko si Aldrin na magising ay biglang may nagbukas ng pinto, at nang paglingon ko, bumungad sa aking harapan ang mukha ni Kaye.
Si Kaye na ex-girlfriend ni Aldrin!
"Hi! Nandito si Aldrin?" Tanong niya sa akin habang nakataas mga kilay. "And you are?" Aniya.
"Upakan ko kaya ang babaeng ito! Nagdidilim na paningin ko sayo ha!" Ani ko sa sarili.
"I'm Ana, Aldrin's Personal Secretary" pa-sosyal ko rin na sagot sa kaniya.
"Maganda kaya ako kaysa sa kanya, kulang lang ako nang isang ligo 'no!" Wika ko sa sarili.
"Oh! I see! Wala ka naman sigurong gagawin 'no? Sige na pwede ka nang umalis, ako na lang ang magbabantay rito, sasabihin ko na lang kay Aldrin na umalis na secretary niya!" galit na boses na sabi niya.
"Aba, hoy! Ingrata 'to! Hindi lang ako basta secretary niya ha! Girlfriend din niya to 'no! Akala mo kung sino!" Singhal kong sabi sa sarili.
Dahil sa inis at galit ko, umalis nalang ako dahil baka masampal ko pa ang babaeng iyon! Hindi ko na hinintay na magising si Aldrin.
Kinabukasan, excited na akong pumasok sa office, kaya nagmamadali na ako at hinihintay ko na si Aldrin sa labas ng bahay. Nasanay na kasi ako na palagi niyang sinusundo araw-araw at magkasabay kaming pumapasok patungong office.
Halos kalahating oras na akong naghihintay sa labas ng bahay pero hindi pa rin dumarating si Aldrin, kung kaya'y nag-taxi nalang ako papuntang office.
Habang papalapit ako sa may pintuan ng aming opisina ni Aldrin ay isang malakas na halakhak na naman ang aking muling narinig. Isang familiar na boses ng babae ang aking narinig mula sa labas nang pintuan nang office, at nang pagbukas ko. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko nang mga oras na 'yon! boses nga ni Kaye ang naririnig ko mula sa labas nang opisina!
Pagmumukha ni Kaye ang una kung nakita pagkabukas ko nang pintuan na naka kandong pa mula sa pag kakaupo ni Aldrin!
Gulat na gulat ako sa nakikita ko sa mga oras na iyon, at ang nakakapagtaka pa, ay no'ng pumasok na ako sa loob nang office ay nakatingin lang si Aldrin sa akin na tila bang hindi ako kilala!
"Grrr.. sarap pag-uuntugin mga ulo nito!At isa pa 'tong Kaye na 'to, nako! Tlagang ginagalit ni'yo ako huh!" Ani ko sa sarili, habang padabog na umupo sa aking table.
"Siya nga pala Miss A, mayro'ng mga paperwork diyan, pakitapos na lang niyan dahil 'yan ang epre- present ko mamaya sa BOD meeting." Pautos na bigkas ni Aldrin sa akin, habang kandong pa niya si Kaye.
Habang busy ako sa mga reports na pinapagawa ni Aldrin para sa presentation niya sa kanyang meeting, ay busy naman silang dalawa sa paghaharutan na tila bang hindi ako kilala ni Aldrin.
At dahil nasa office kami, iniintindi ko nalang si Aldrin sa mga oras na iyon dahil baka ayaw lang niyang ipakita in public ang relasyon namin, lalo na't nandoon si Kaye na ka- business partner niya.
"By the way Hon, 3rd anniversary na ng resort bukas , At pinaalam ko na rin kay Mr. Chairman ang lahat, sabi niya siya nalang daw bahala sa lahat. At pinakiusapan niya ako na ako ang mag ho- host ng program." Wika ni Kaye kay Aldrin.
Dahil sa mga kakaibang ikinikilos ni Adlrin sa mga sandaling iyon at sa paulit-ulit na pagbibigkas ni Kaye ng salitang hon at honey kay Aldrin ay doon na ako nagsimulang nagtaka.
Pilit ko siyang iniintindi, pero hindi mawala ang sakit na aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang pagiging sweet niya kay Kaye.
Oo!, First Boyfriend ko si Aldrin, first kiss, unang taong nagpatibok ng aking puso at ang unang tao na binigay ko ang lahat-lahat pati buong kaluluwa't pagkatao ko! Kaya hindi ko masisisi ang aking sarili kung bakit nasasaktan ako sa mga sandaling iyon.
Oo! Inaamin ko, nagseselos ako sa mga oras na iyon!
Paulit-ulit kong tinatanong sa aking sarili kung bakit biglang nanlamig ang pakikitungo ni Aldrin sa akin sa mga oras na iyon, habang ang lambing-lambing pa niya kagabi noong kami ay magkasama sa hospital.
"Nagagalit kaya si Aldrin sa akin dahil hindi na ako nagpaalam sa kan'ya kagabi?" tanong ko sa aking sarili.
Nag-umpisa na ang kanilang BOD Meeting at lahat nang mga Directors ng kanilang kompanya ay nandoon na rin, kabilang na si Mr. Chairman na lolo ni Aldrin. At pansin ko sa mga oras na iyon ang kasama si Mr. Chairman na lalaki na magkasing edad ng mama ni Aldrin.
Habang pini- present na ni Aldrin ang mga Financial Conditions nang kanilang kompanya ay pansin ko ang pag-iwas nang kanyang mga tingin sa akin na siyang dahilan nang labis kong pagkalungkot.
Ang mga tingin niya sa akin tuwing nagpi- present siya sa mga meetings niya na nabaling kay Kaye.
Every meeting kasi ni Aldrin ay nandoon din ako palagi, pagkatapos pa nga nang presentation niya bago siya umupo ay pa-simple pa niya akong kikindatan, pero sa mga sandaling iyon ay tila nagbago ang lahat. Mga sweet na ngiti na para sana sa akin ay napunta kay Kaye.
Lumabas na ng conference room ang lahat nang BOD maliban lamang kay Aldrin, Kaye, Mr. Chairman at sa kasama niyang lalaki. Habang nag-uusap silang apat sa loob ng conference room ay unti-unti kong nililigpit ang mga gamit ni Aldrin hanggang sa aksidente kong narinig ang kanilang pinag-uusapan..
" Siya nga pala Aldrin, nabalitaan ko dito kay Kaye na bumubuti na raw kalagayan nang mommy mo ah." Sabi ni Chairman kay Adlrin.
"Opo lolo! Kitang-kita ko kagabi sa hospital, unti-unting ginagalaw ni tita mga daliri niya" pabidang sagot naman nang bruhang si Kaye.
"Mabuti naman kung ganoon!" Sagot ni Chairman.
"Maiba tayo Chairman, hihintayin pa ba natin na gumaling angVice President bago natin ipapakasal sina Aldrin at Kaye?" Tanong no'ng lalaki kay Chairman. (ang VP na tinutukoy niya ay ang mama ni Aldrin)
"Dad, okay lang naman po sa amin ni Aldrin ang maghintay!" sabay yakap ni kaye sa baywang nang matanda.
Gulat na gulat ako sa mga naririnig ko ng mga oras na iyon, Daddy pala ni Kaye ang lalaking kasama ni Chairman.
"Kung ano po ang desisyon ni Kaye Tito 'yon po ang masusunod" seryosong sagot ni Aldrin sa daddy ni Kaye at sabay yakap pa niya sa baywang nang bruha!
Gusto kong lumabas noon ng conference room! Gusto kong tumakbo papalayo sa kanila! Pero hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa mga oras na 'yon!
Pilit kong pinipigilan ang aking mga luha! Ang sakit na aking nararamdaman na kailan man ay hindi ko pa nararanasan! Parang gumuho ang aking mundo sa mga sandaling iyon.
"O, Teacher Ana. Pumunta ka bukas sa resort ha. Anniversary ng resort bukas. Bago ka umuwi mamaya dumaan ka muna sa dating office ko may ipapagawa lang ako, okay?" Ani Chairman.
Tumango lang ako bilang pag sang-ayon sa kan'ya dahil hindi ko na maigalaw ang aking bibig.
Bago ako umuwi dumiretso muna ako sa office nang chairman.
Teacher Ana, kaya kita inimbitahan na pumunta sa anniversary bukas dahil gusto ko na ikaw ang magho-host ng program." Aniya.
"Po? 'di ba po si Miss Kaye ang magho-host?" Ani ko sa kan'ya.
Sinabi ko lang 'yon para pumunta siya, ang totoo niyan, gusto kong sorpresahin siya ni Aldrin bukas, dahil bukas magpo- propose si Aldrin sa kanya." Masiglang wika niya sa akin
"Papayag po ba si sir Aldrin? " Ani ko.
"Alam kong narinig mo kanina ang mga pinaguusapan namin, 'di ba sabi nga ni Aldrin si Kaye ang mag dedesisyon. Alam kong nagmamahalan pa rin ang dalawang 'yon. Huwag kang mag-alala hindi mapapahiya ang boss mo bukas,magtiwala ka sa akin" pangiting wika niya.
Habang nilalakad ko ang lobby palabas ng LGC Corporation, hindi mawala sa isip ko ang mga naririnig at nalalaman ko sa mga oras na iyon!
"Bakit ganoon! Nananaginip lang ba ako? Bakit ito nangyayari sa akin? Ano bang mali ang nagawa ko sa kan'ya bakit niya ako ginaganito!?" hikbi kong sambit sa aking sarili.
Dumating na nga ang araw nang anibersaryo ng resort nina Adrin at kasabay din nang pag-aanunsiyo ng wedding proposal niya kay Kaye.
Habang nagsisidatingan na ang mga bisita ay hindi ko pa rin nakikita si Adrin sa mga oras na'yon, kinakabahan ako sa aking gagawin, iniisip ko kung kaya ko ba ang mag host sa araw na'yon.
Dahil magho-host ako para sa isang marriage proposal nang aking Boyfriend!
Masakit mang isipin, pero wala akong magawa! Wala naman kasing nakakaalam sa relasyon namin ni aldrin, kahit na ang buong pamilya ko ay hindi rin nila alam.
Tanging ang ina lamang ni Aldrin ang nakasaksi ng lahat ng aming tinatagong relasyon. Relasyong kailanman ay hinding-hindi na mabubuo pang muli, relasyong habangbuhay nang itatago, relasyong imposibling magkatutuo dahil sa estado ng aming buhay. At relasyong aking pakaka-ingatan at patuloy na pahahalagahan habangbuhay.
Masakit man sa aking puso, pero kailangan kong tanggapin! Kailangan kong tanggapin na ang taong pinakamamahal ko ay may iba ng nag-aari.
Malakas na hiyawan ang gumulat sa akin habang ako'y nakatago sa may gilid ng stage. Pagtingin ko ay kitang-kita ko ang masasayang mukha nina Aldrin at Kaye, at no'ng papalapit na sila nang stage ay agad na akong binigyan nang GO signal nang DJ na mag ready na dahil mag-uumpisa na ang program. At habang hinihintay ko ang pagtunog nang mga trumpeta, piano at drums ay biglang may lumapit sa akin at may iniabot na isang box na may singsing!
"Ma'am, utos po ni Chairman kapag nag-umpisa nang mag propose si Sir Aldrin ay ibigay niyo po ito sa kan'ya" pa simpleng sabi nang isang babae sa akin na sa tingin ko ay empleyado din nang resort.
"Gush!! At ako pa talaga ang magbigay sa kan'ya? Sumusobra na kayo sa akin ha!" pahikbi kong sambit sa sarili.
At no'ng nasa center aisle na sila ay biglang huminto si Aldin at hinawakan niya ang baywang ni Kaye, at pagkalipas nang ilang sigundo dahan-dahang lumuhod si Aldrin at nagsimula na nga itong nag propose!
At sa pagkakataong iyon ay agad naman sumenyas sa akin ang babaeng nag abot sa akin no'ng singsing, kaya dali-dali naman akong naglakad papalapit kay Aldrin.
Paglapit ko kay aldrin ay agad naman niyang tinanong si Kaye.
" Kaye, please marry me."
" Yes!I DO!" masiglang sambit ni kaye.
Sabay abot ko kay aldrin ang singsing na ibibigay niya para sa bruhang si Kaye.
Sigawan ng mga nakasaksing mga bisita ang gumulantang sa akin ng mga oras na'yon. Hindi ako makapaniwala sa mga nakita at nasaksihan ko! gusto kong umiyak pero pilit kong pinipigilan ang mga luha ko!
Tunog ng drums, trumpeta at piano. simbolo na mag-uumpisa na ang program! simula na ng aking pagho-host!
" Ladies and gentleman, please welcome to the stage Chief Executive Officer and President of the LEE GROUP OF COMPANIES, Mr. Aldrin Lee together with his fiancee Director Kaye Sanchez, around of applause!" sigaw kong sambit
Pagkatapos kong binanggit ang mga katagang iyon ay muling nag sigawan ang mga bisita..
" Congratulations!"
" Bagay na bagay po kayo sir, ma'am!"
" Ang ganda niyo po Miss Kaye!"
Iilan lamang sa mga boses na naririnig ko sa mga oras na iyon. Pagkatapos kong nag hosting ay dali-dali na akong lumabas nang venue at tumatakbo papalayo, doon na ako dumiretso sa may dalampasigan. Gabi kasi noon at exclusive ang buong resort para sa kanilang anniversary kaya walang mga guest sa gabing iyon.
Mula sa aking pagkakaupo ay ibinuhos ko ang lahat nang mga hinanakit na aking nararamdaman sa mga oras na iyon, na ang tangi ko nalang magagawa ay ang umiyak nang umiyak.
Habang humahagulgol ako ay rinig ko ang isang boses na nanggagaling sa aking likuran.
"Hindi ka ba sinundo ng Boyfriend mo?"
At nang paglingon ko ay mukha ni Aldrin ang aking nakikita.
"Ano bang pinagsasabi mo?!" sumbat at sigaw kong tanong sa kanya. "Ano bang kasalanan ko at bakit mo ginagawa sa akin ito ha?!" sabay hampas ko sa kanyang dibdib.
Habang hinahampas ko siya sa kan'yang dibdib ay agad naman niyang kinuha ang aking mga kamay at biglang tinapik papalayo sa kanya.
" Bakit? masakit ba? Kung nasasaktan ka! mas nasasaktan ako no'ng araw na iniwan mo ako! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may Boyfriend ka na pala? Ha Ana! Ginawa mo akong tanga!" Aniya, sabay turo niya sa nuo ko.
"No'ng gabing umalis ka sa hospital na mayro'n sumundo sa 'yo, Bago pumasok si Kaye sa loob ng room ay kitang-kita niyang naghahalikan kayo! At sa loob pa talaga ng room ko Ana?!" galit niyang sambit.
At dahil sa sobrang galit ko sa mga oras na iyon ay hindi ko na denipinsahan pa ang aking sarili at isang malakas na sampal nalang ang aking binigay sa kanya.
Pagkasampal ko sa kan'ya ay agad na akong tumakbo papalayo sa kan'ya at dali-dali akong pumara nang taxi.
Habang nakasakay ako sa taxi ay hindi ko napigil ang aking mga luha, umiyak ako nang umiyak hanggang sa marating ko ang hotel na pinag stay-han ko.
Habang binabalikan ko ang mga sinasabi sa akin ni Aldrin nay napaisip ako, na kaya pala ang lamig nang pakikitungo niya sa akin pagkatapos no'ng gabing umalis ako sa hospital, dahil kung ano-ano na palang kasinungalingan ang pinagsasabi ng bruhang Kaye kay Aldrin sa araw na iyon.
Pinalipas ko ang buong gabi na puno nang paghihinagpis at kalungkutan.
Hinayaan ko nalang kung ano ang iisipin ni Aldrin sa akin, wala na akong dapat na ipaliwanag pa sa kan'ya, nasaktan na niya ako nang sobra.
Ano pa ang dahilan ng mga paliwanag ko, kung ang paniniwalaan lang niya ay ang tanging si Kaye, na ngayon ay fiancee niya na. Masakit mang isipin pero dapat kong tanggapin hanggang sa ang lahat nang sugat sa aking puso'y muling maghilom, puso na kailanmay hinding-hindi na iibig pang muli.
Pagkatapos ng lahat na nangyari sa araw na iyon, pagbalik ko sa amin ay sinabi ko ang lahat sa aking pamilya. Masakit man, pero dapat kong tanggapin ang lahat dahil ginusto ko naman..
Kaya kinabukasan, pagbalik ko sa office ay agad na akong nag resign sa aking trabaho.
~ipagpapatuloy~