“Alam mo ba na sobrang saya ko sa araw na'to Ana?" Aniya, sabay halik sa aking noo.
"Siya nga pala, paano mo nalaman na nandito ako?" Aniya.
"Hiningi ko kay Kuya Ethan ang address ng hospital, kaya dumiretso na Ako rito." Pangiti kong sagot sa kaniya.
"At paano mo nalaman na nandito ako? Ini- stalk mo ako 'no? Alam ko naman na mahal mo ako eh, kaya 'di mo na kailangan na e- stalk mo ako" pangiti niyang sabi na may halong biro.
" Happy birthday." Ani ko, sabay halik sa kaniyang pisngi.
At no'ng tiningnan ko siya, bigla siyang napaluha at niyakap niya akong muli.
Habang pinunasan niya ang kaniyang mga luha, agad niya akong hinawakan at sabay kaming lumapit sa kaniyang Mommy.
"Siguro naman ay kilala mo na si Mommy, nai-kuwento na siguro sayo ni Ethan ang tungkol sa kaniya, at ang dahilan kung bakit siya nandito. Kaya ikaw nalang ang ipapakilala ko sa kaniya. Pangiting sabi niya.
"Ma, ito nga pala si Ana oh, alam mo ba'ng dahil sa kanya ay natapos ko ang kursong gusto mo para sa akin, siya ang kinukuwento ko sayo na Private Teacher ko na binigay sa akin ni Chairman. Siya rin ang Private Secretary ko, ngayon ay Girlfriend ko na." Aniya, sabay titig sa aking mga mata.
Habang kinukuwento ni Aldrin sa kan'yang Mommy ang tungkol sa aming dalawa, labis ang kasiyahan na aking nararamdaman sa mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang aking nadarama na siyang dahilan ng pagtulo ng aking mga luha. (Tears of Joy, ika nga)
Kinabukasan, pangalawang araw ng aming pagiging boyfriend-girlfriend.
"Aba! Bakit parang ang blooming yata ngayon ni bunso? Hoy! Tapatin mo nga kami, mayroon ng nanliligaw sa 'yo 'no?" Pabirong tanong ni kuya Ethan sa akin.
"Anak, imbitahin mo naman dito sa bahay at ng makilala naman namin." Pabirong wika ni Nanay.
"Seryoso na ba iyan bunso?" Tanong ni Kuya Elton.
"Kung si Edrian iyan anak, suportado ko kayo!" Sigaw na sambit naman ni Tatay.
" Sino si Edrian!?" Sabay-sabay naming tanong kay Tatay.
"Bakit ba kayo sumisigaw? Si Edrian 'yong boss nitong si Ana!" Sigaw na paliwanang ni Tatay.
"Tay, si Aldrin po iyon, hindi si Edrian. Ani ko.
Habang masaya kaming nagkukuwentuhan ay biglang may kumatok sa aming pintuan.
Kaya pagbukas ni kuya Ethan sa pinto,
" Oy pare! Halika pasok!" Wika niya.
"Magandang araw po sa inyo Tita/Tito, Elton" Wika ni Aldrin.
Gulat na gulat ako nang marinig ang boses ni Aldrin.
"Ah, Tito/Tita dinaanan ko lang po si Ana rito para sabay na kaming pumasok sa office." Wika niya.
"Total nandito kana rin lang naman, halika muna at sumabay kana sa aming mag-breakfast" wika ni Tatay.
Habang nagmamaniho si Aldrin ay pansin ko ang matamlay at pagiging tahimik niya, hanggang sa marating namin ang LGC Company.
Nang marating na namin ang kan'yang opisina, dahan-dahan kong nilagay ang kan'yang mga gamit sa ibabaw ng mesa nito at hinayaan ko nalang muna siya sa kan'yang katahimikan.
Naka-upo lang siya sa kan'yang mesa ng mga sandaling iyon, gusto ko siyang tanungin kung ayos lang ba siya, at kumusta na ang Mommy niya.
Pero hindi eh, ewan ko kung bakit pati dila ko hindi rin gumagalaw sa mga oras na iyon. Hanggang sa,
"Ana!" sambit ni Aldrin, sabay hila niya sa aking kamay, dahilan nang pagbagsak ko papunta sa ibabaw ng kanyang kinauupuan. "Bakit hindi mo sinabi sa kanila na Boyfriend mo na ako!" malungkot na boses na sambit niya.
Pagkarinig ko sa kan'yang sinabi ay doon ko lang naintidihan ang biglaang pagtahimik at pagiging matamlay niya, at iyon ay ang nalaman niyang hindi ko pa nabanggit sa aking pamilya ang tungkol sa aming relasyon.
Kaya sa halip na sagutin ko siya ay agad kong hinawakan ang kan'yang mukha at binigyan ko siya ng isang matamis na halik sa kanyang pisngi.
"Gusto mo ba na sabihin ko sa pamilya ko ang tungkol sa atin?" Pangiti kong tanong sa kanya.
Pangiting tumango si Aldrin, bilang pagsang-ayon sa aking sinabi.
" Kung gusto mong sabihin ko sa kanila, dapat ligawan mo muna ako sa bahay." Pabulong kong wika.
"Iyon lang?!" Excited niyang sagot, sabay kiss sa aking noo.
Kinabukasan, araw nang sabado walang office.
Habang ako'y mahimbing na mahimbing sa aking pagtulog, ay isang malakas na busina ng sasakyan ang gumising sa akin.
"Hay, Kuya Ethan! nanaman! Puwede naman kasi na kumatok ka nalang sa pinto eh! Bakit ba kailangan mo pang patunugin iyang sasakyan! Hayss?" Gigil kong sambit, sabay baba patungong sala.
At nang pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang napakaguwapong mukha at matitipunong katawan ni Aldrin.
Short, puting t'shirt, rubber shoes at rayban lamang ang suit ni Aldrin noong time na iyon, at hindi lang iyan, pansin ko ang pagkaaliwalas lalo nang kaniyang mukha dahil sa kanyang bagong gupit.
"My God ang guwapo ni Aldrin!" Ani ko sa sarili.
Habang akoy kinikilig sa mga oras na iyon ay pansin pala ni Aldrin ang pagtitig ko sa kan’ya.
"Ahem! Guwapo ba ang boyfriend mo?” pangiting sabi niya sabay lapit ng kan’yang mukha sa akin.
"Sasagutin ko sana siya, pero bigla kong naaalala na kakagising ko lang pala ng mga oras na iyon. Kaya hinawakan ko nalang ang mga kamay niya at agad na pinapasok sa loob nang bahay.
"Ana, ayos ka lang ba?” Aniya.
" Mmm.” pasimple kong sagot sabay tango ng aking ulo.
"Hintayin mo lang ako rito sa baba magbibihis lang ako, okay?” pangiti kong sabi sabay talikod.
Masaya kaming nagkukuwentuhan ni Aldrin sa mga oras na'yon, at dahil ako lang mag-isa sa bahay, ay inalok ko nalang siya na lumabas para kumain.
"Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko si Aldrin na bisitahin ang kan’yang mommy sa hospital, at agad naman siyang sumang-ayon.
"At nang narating na namin ang hospital ay kinausap ni Aldrin ang kanyang ina.
"Ma, kasama ko po ang girlfriend ko, at alam mo ba na gusto ka rin niyang makita?” Wika niya, sabay halik niya sa noo nito.
"Umupo si Adlrin sa tabi ng kan’yang mommy at nagsimulang nagkuwento.
Alam mo ba kung bakit nagkaganito si Mama? Dahil din sa kawalang hiyaan ko” pasumbat nyang sabi sa kanyang sarili. “Mahal na mahal ako ani mama kaya lahat nang gusto ko ay binibigay niya, pero dahil sa pagiging basagoliro at walang kuwentang anak, binalewala ko ang lahat na’ngi yon! Binalewala ko ang kabutihan ni mama, kaya nandito siya ngayon! Kung puwede pa nga lang ibalik ang lahat eh, hiniling ko na! Ako naman dapat ang nandito ngayon at hindi si mama!” pahagulgol na sabi ni Aldrin.
" Awang-awa ako kay Aldrin sa mga oras na iyon, sa pagkarinig ko ng lahat ng mga kuwento niya ay hindi ko rin napigilan ang pagpatak ng aking mga luha.
“Alam ko po ang nararamdaman mo sir, pero huwag mong sisisihin ang sarili mo, alam mo ba kung sino ang mas nasasaktan? Ang mama mo. Sa palagay mo ba magugustuhan din ng mama mo ang lahat nang mga sinabi mo? Walang sinuman sa inyong dalawa ang may gusto niyan. At kung ikaw ang nasa kinalalagyan niya, sa tingin mo ba kakayanin ng isang ina na makita ang anak niya na magkakaganyan? Alalahanin mo,kahit hindi ka niya nakikita, at kahit na hindi siya makapagsalita, ito ang tatandaan mo, naririnig ka pa rin niya. At kung patuloy mong sisisihin ang sarili mo, mas lalong hindi gagaling ang mama mo. At kung nahihirapan ka, ay mas lalong nahihirapan din siya.” Ani ko sa kaniya.
Pagkatapos kong kausapin si Aldrin ay agad siyang tumayo at niyakap ako nang mahigpit, at dahil doon sa sinabi ko ay nakita ko siyang ngumiting muli.
Habang kami ay magkatabing nakaupo sa gilid ng kama ng mama niya at sabay namin itong binabantayan ay laking gulat namin pareho nang biglang gumalaw ang mga kamay ng mama niya. At dahil sa pangyayaring iyon ay biglang kumaripas nang takbo si Adlrin palabas ng room papuntang nurse station..
“Isa itong good sign para sa mama mo Aldrin, napakalaking tulong sa kan’ya ang kausapin siya palagi, Good job, Iho! kausapin mo lang siya palagi at dapat kinukuwentohan mo siya ng mga masasayang kuwento,okay? Huwag’ yong iiyak ka lang nang iiyak” Paliwanag ng doctor kay Aldrin, sabay talikod.
Family friend nina Aldrin ang doctor ng mama niya, kung kaya’t ganoon nalang ka close ang isat-isa sa kanila.
~ipagpapatuloy~