At ng marating ko na ang address ng hospital na binigay sa akin ni Kuya ay dali-dali na akong dumiretso sa may nurse station at binigay ang papel na may nakasulat na pangalan ng Mommy ni Aldrin na galing din kay kuya Ethan.
Pagkabigay nila sa akin ng room number ay agad ko namang pinuntahan.
At no'ng nasa labas na ako nang pintuan ng kanilang room, sinubukan kong hawakan ang door knob at laking pasalamat ko naman dahil hindi ito naka-lock, kaya dahan-dahan ko itong binuksan.
At no'ng pagpasok ko ay hindi nga ako nagkamali, nandoon nga si Aldrin malapit sa kinaroroonan ng kan'yang Mommy na natutulog habang ito'y naka-upo at hawak-hawak ang kamay nang kan'yang ina. Kaya agad ko siyang nilapitan at nilagyan nang kumot ang kan'yang likuran.
Habang nakatitig ako sa mukha noon ni Aldrin ay pansin ko ang kanyang mga natutuyong luha na nasa gilid nang kan'yang mga mata, na siya namang dahilan nang aking lubos na pagkaawa sa kanya.
Maaamong mukha, maganda, matatangos na ilong, ilan lamang sa mga pisikal na kaanyuan na iyong makikita sa Mommy ni Aldrin, na kahit ito ay nakaratay pa at punong-puno ng mga gamit pan-hospital ang katawan.
Habang natutulog si Aldrin noon katabi sa kanyang ina ay pansin ko ang mga gamit sa loob nang hospital.
"Wow! Grabe ang ganda at lawak nang room!" pabulong kong sabi sa aking sarili.
Mala- Condo ang design ng room ng kan'yang Mommy kaya hindi ko tuloy maaninag kung saan ang C.R doon, at no'ng may nakita akong pintuan, at dahil tulog naman si Aldrin, dahan-dahan ko itong binuksan sa kadahilanang iyon ang C.R ng kanilang room.
Pagkabukas ko ng pintuan, bumungad sa akin ang napakalawak na room at dahil na rin sa sobrang ihing-ihi na ako hindi na ako nagdalawang isip na pasukin ito.
" Wow! Ani ko sa sarili.
Talagang mapapa-wow ka nalang sa sobrang laki at ganda nito.
"Nasaan kaya ang C.R dito! ani ko.
Habang hinahanap ko ang C.R, nakita ko ang isang master bed na mayroon ding mga cabinet sa gilid nito, at sa kabilang banda ay tanaw mo naman ang coffee table, kitchen at iba pang mga gamit pambahay.
Habang papalapit ako sa bandang dulo nang bed ay tanaw ko ulit ang isang pinto, kaya agad na akong nagtungo at ng malapit na ako sa may bed, nan'laki ang aking mga mata sa aking nakita.
" Teka! ito yong mga damit na binigay sa akin ng manager ng hotel ah!" wika ko.
Mga damit na bigay ng manager nang hotel no'ng time na mayroon daw kaming training ni Aldrin, at no'ng time na mayroong hindi inaasahang nangyari sa amin. Kaya nagtataka ako kung bakit nandoon ang mga damit na iyon.
Pagbukas ko ng pinto ay laking pasalamat ko at sa wakas ay nahanap ko rin sa wakas ang C.R.
"Ay iba! Pati C.R sobrang laki! parang kasin'laki na ito ng buong sala namin ah!" ani ko.
Pagkatapos kong umihi ay nakita ko ang napakalaking bath tub na punong-puno nang bubbles, scented candles at mga perfume na ewan kung para saan iyon at bakit nasa loob ng banyo.
"hayss, mayayaman nga naman daming alam" bunting-hinga ko sa sarili.
Habang tinitingnan ko ang mga bubbles mula rito ay napahawak ako bigla sa tubig.
"My God! Ang sarap siguro maligo rito! sambit ko sa sarili.
"Maligo kaya ako kahit sandali lang, total natutulog pa naman si Aldrin at nandito naman 'yong damit na binigay sa akin dati no'ng Manager " pangiti kong sabi sa aking sarili.
Dahil sa naisip kong iyon ay hindi na ako nag dalawang isip na maligo. Dahil na fe-feel ko na rin sa mga sandaling iyon ang sobrang lagkit ng aking katawan at dahil hindi pa ako nakapagbihis at kagagaling palang namin ni Aldrin noon sa trabaho.
Excited na excited na akong maligo sa mga sandaling iyon, kaya binilisan kong hinubad ang aking mga damit at dali-dali kong kinuha ang mga damit na nakabalot sa paper bag na pinagsidlan nito.
Dinala ko ang mga ito sa loob ng banyo at agad na akong nagtampisaw sa napakalaki ang mala- bubbles na bath tub.
Aliw na aliw ako sa mga sandaling iyon at hindi ko na pinansin ang mga minutong nagdaan. Nilalaro ko ang mga bulang nakabalot sa aking katawan, at dahil sa pagka-aliw ko ay nakalimutan ko na ang room na iyon ay pag-aari pala ni Aldrin.
"My God Ana! Ano ba ang ginagawa mo! Alalahanin mo nandito si Aldrin sa hospital" sabi ko sa aking sarili.
Kaya dali-dali na akong umahon sa tub. At dahil kinakabahan na ako sa mga oras na iyon at iniisip ko na baka nagising na si Aldrin at ako'y maabutang naliligo sa kanilang banyo.
Pagtayo ko sa may sahig ng banyo hindi ko namalayan na umabot na pala ang mga bubbles sa sahig na nanggagaling sa may tub, na siyang dahilan ng aking pagkadulas.
Gusto kong sumigaw at humigi ng saklolo sa mga oras na iyon pero walang lumalabas na boses sa aking bibig, dahil sa lakas nang pagkatama ng aking mga braso sa sahig at dahilan ng pagkawala nang aking malay, hindi ko na naalala pa kung ano ang sumunod na nangyari. Basta ang pagkakaalam ko no'ng mga sandaling iyon ay nawalan ako nang malay at nakahandusay sa sahig nang banyo habang hubo't hubad ang buong katawan.
" Aray." wika ko, habang nakahawak sa aking braso.
At nang pag angat ko sa aking ulo ay mukha ni Aldrin ang aking nasisilayan habang nakatayo at nakataas ang mga kilay na nakatingin sa akin.
"Grabe siya ha,sakit na nga ng braso ko nakataas pa ang kilay sa akin" wika ko sa sarili.
"Mabuti nalang at hindi 'yong ulo mo ang tumama sa sahig!" galit na sabi niya sa akin.
" Pano nalang kung hindi ako ang unang nakapasok dito sa loob! Alam mo ba na kapag hindi naka lock ang main door nang room na ito, kahit na sino ay puweding pumasok dito. Kahit na mga Janitor pa 'yan nang hospital! Hindi ko 'yon nila-lock dahil pag dis-oras na ng gabi pinahihintulutan ko ang mga iyan na pumasok dito para maglinis, hay nako Miss A! Singhal niyang sabi sabay upo sa aking tabi.
Habang nakaupo si Aldrin sa aking tabi ay dahan-dahan niyang pinupunasan tuwlayang mayroong yelo ang aking mga braso, habang iniisip ko, kung si Aldrin nga ang nakakakita sa akin sa banyo habang nakahandusay sa sahig ay,
"OMG!" wika ko, sabay takip sa aking bibig.
"Bakit? masakit ba? Bakit naman kasi nilalaro mo 'yong mga bubbles doon ha? Alam mo bang ako ang naglagay ng mga bulang iyon dahil gusto kong magbabad doon? Pero nakatulog ako habang hinihintay ko ang maglilinis dito, buti nalang at tumawag sa akin ang nurse na nasa station at sinabing hindi naka duty ang naka-assign na maglinis dito, kaya nagising ako. Pero no'ng pumasok ako dito sa banyo ikaw ang nakita kong" hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil agad kong tinakpan ang bibig niya nang mga kamay ko.
"Bakit Miss A? wika niya, sabay kuha niya ng mga kamay ko na nasa bibig niya at inilagay niya ang mga ito sa kanyang dibdib.
" Huwag mong sabihing nahihiya ka?" malambing na tugon niya. "Baka nakakalimutan mo minsan ko na 'yang nakita." Pangiting wika niya.
Habang patuloy si Aldrin sa pang-aasar sa akin ng mga sandaling iyon, hindi ko alam kung bakit nawala ang hiyang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. At habang tinititigan niya ako sa mga mata, hindi ko na namamalayan na magkadikit na pala ang aming mga labi. At sa gabing iyon ay muling naulit ang mga pangyayaring hindi inasahan na minsan na naming pinagsaluhan.
Muli, akin na namang ipinagkatiwala sa kanya ang aking sarili.
Kinabukasan, habang pinupunasan ko nang basang tuwalya ang katawan nang kanyang mommy,
" Ana," mangiyak-ngiyak na sambit ni Aldrin sa aking pangalan habang itoy nakayakap sa aking likuran.
" Sir, Bakit? ani ko, sabay harap sa kanya.
"Akala ko kasi iniwan mo ulit ako, akala ko umalis kana naman ng walang paalam." wika niya sabay yakap niya ulit sa akin.
" Ana" aniya, habang nakatitig sa aking mga mata. "I LOVE YOU" Pa-smile na wika niya.
'OMG'! Grabe ang saya-saya ko ng mga sandaling iyon habang binibigkas niya ang mga katagang 'I LOVE YOU', Sa halip na sasagutin ko siya nang " I LOVE YOU TOO" binigyan ko nalang siya nang isang napakatamis na halik at mahihigpit na yakap.
~ipagpapatuloy~