"ALAM ko kung gaano kahirap ang mga pinagdadaanan mo Ana, ngayong nandito na ako, hayaan mo sanang punan ko lahat ang mga pagkukulang ko sa iyo at lalong-lalo na sa anak natin," seryosong sabi ni Aldrin kay Ana, sabay halik sa ulo nito. "O, Aldrin. Nandito ka na pala, ang aga mo yata, ah! Sa pagkakaalam ko 10 a.m ka pa pumapasok," pabirong wika ni Mrs Lee. "Sino ba ang hindi mapapaaga ng pasok, sa ganda ba naman ng Personal Assistant ng Vice-President," pangiti namang sagot ni Aldrin kay Mrs. Lee, sabay kindat nito kay Ana. "Ahem! Mukhang ang saya rito ah! Pwede bang msumali?" Boses ng Chairman habang nakatayo malapit sa pinto ng opisina ni Mrs. Lee. "Magandang araw po sa inyo, Mr. Chaiman" magalang na sambit ni Ana. "Ikaw pala ang bagong Personal Assistant ng Vice-President. Miss Sam

