"PAANO na ngayon iyan, Kaye! Dapat mag-isip tayo ng paraan para tuluyan ng mawala ang Savanang iyan! Paano kung malaman niya na meron tayong mga druga na darating sa susunod na buwan?! At kapag mabolilyaso ang mga iyon at malaman ng mga supplier natin, hindi lang ako ang paglalamayan, pati na ikaw!" "Kung sinabi mo lang sana sa akin noon pa, na hindi mo kayang patulugin habambuhay ang Savanang iyon, eh 'di sana! Sana ako nalang ang tumapos sa kan'ya!" nanginginig na boses na sumbat ni Dir. Sanchez kay Kaye. "Ang hina-hina kasi ng kokorte mo!" aniya, sabay turo nito sa bandang ulo ni Kaye. "Ako na po ang bahala sa ipinapagawa ninyo kay Kaye, tito! Sabihin niyo lang po sa akin ang lahat kung ano ang gagawin," sambit ni Gab kay Dir. Sanchez. "Gab, huwag ka nang makialam di," Hindi natul

