APAT na buwan na ang nakalipas simula ng malaman ni Aldrin ang tungkol sa katauhan ni Ana bilang si Sam Mendez, at anim na buwan na rin silang masaya sa kanilang relasyon na pilit nilang tinatago. Ngunit, sa anim na buwang iyon ay mayroon din palang mga matang palihim na nakasubaybay sa bawat mga galaw nila. "Gab, handa ka na ba sa gagawin nating mga plano? Basta ito lang ang tatandaan mo ha ang lahat na gagawin nating ito ay para rin sa future natin, okay?" malumanay na sabi ni Kaye kay Gab. "Malaki ang tiwala ko sa 'yo Kaye, at huwag kang mag- alala, kung ano man ang magiging desisyon mo, susuportahan kita" sagot ni Gab, sabay halik nito sa labi ni Kaye. Kinaumagahan, maagang pumasok si Kaye sa kan'yang opisina at palihim nitong pinagmamasdan ang opisina ni Aldrin. "Humanda ka ngay

