"Bakit? Kaya mo bang paibigin ang babaeng 'yon, ha?" wika ni Kaye habang nakataas ang kilay. "At kailan ba kita binigo, ha?" pangiting tugon ni Gab. Habang masayang nag-uusap sina Gab at Kaye ay agad namang dumating si Dir.Sanchez, ang daddy ni Kaye. "Gabriel! How are you, iho? Kailan ka pa dumating, ha?" "Kararating ko lang po tito, dumiretso na po ako rito para ipasa ang mga requirements ko. "Requirements para saan?" "Siya na po ang bagong head ng Marketing Department, dad!" masiglang wika ni Kaye. "Oh really? Mabuti naman kung ganon. Sabi ko naman sa 'yo hindi rin magtatagal ang Miss. Mendez na 'yon, eh!" "Anong hindi magtatagal? Eh, nandoon nga sa office ng CEO! Teka! huwag mong sabihin na hindi mo rin alam?!" galit na bigkas ni Kaye. "At kailan pa nag dedesisyon si Aldrin n

