"Bakit niyo po sinabi kay Ms. Kaye na ako ang magbabantay kay Mrs. Lee?" sambit ni Ana kay Aldrin. "Bakit? Hindi ba ikaw naman ang nag- offer niyan kay Kaye?" pangiting wika ni Aldrin. "Kaya, wala na akong magagawa," patuloy sa asar ni Aldrin. "Baka nakakalimutan mo, policy ng company 'is to obey the rules from your superior' kaya ikaw na ang bahalang mag-adjust ng oras mo sa office at dito sa bahay ng mama ko. Alalahanin mo Vice President ng kompanyang pinagta-trabahuan mo si Mrs. Lee. Sige ka, kapag nalaman niya na hindi mo sinunod ang iniutos ng CEO mo tatanggalin ka niyan sa trabaho," nakangising wika ni Aldrin, sabay pasok sa kan'yang silid. Nakauwi na si Ana sa kan'yang boardinghouse. Habang naka-upo siya may veranda, hindi maalis sa isipan niya ang mag-alala kay Mrs. Lee. "Nap

