Habang patuloy sa pag-iisip si Ana ay hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya. Kinabukasan, araw nang sabado. Maagang nagising si Ana at dahil wala siyang pasok, hindi muna siya umuwi sa kan'yang boarding house. Nang bumangon si Ana, dumiretso siya sa kuwarto ng mommy ni Aldrin. At nang makapasok siya ay nabigla siya sa kan'yang nakita. "Mrs Lee! Nakakaupo na kayo ng mag-isa?" pangiting wika ni Ana. At mas lalo pa siyang nagulat nang makita itong ngumiti rin sa kan'ya. Dahil sa sobrang kasiyahan ni Ana ay bigla siyang napayakap sa Ginang. "Alam niyo po ba na sobrang saya ko ngayong araw na ito?" Aniya. "Gusto niyo po bang kumain?" patuloy na tanong ni Ana kay Mrs. Lee. Matapos pakainin at maligo ni Mrs. Lee ay masayang pinatuyo ni Ana ang buhok ng Ginang gamit ang hair blo

