KABANATA 36 TINA Patay na ang ilaw sa loob kaya hindi ko siya maaninag, pero dinig ko naman ang biglaan niyang pagbangon nang marinig niya ako, at nakita ko na siyang nakaupo sa kama nang buksan niya ang lampshade. Nagkangitian kami nang magtama ang mga mata namin. ‘Yung ngiti na alam naming pareho kung bakit ako nandoon. Hindi siya umalis sa pwesto niya, sa halip tinitigan lang niya ako habang naglalakad ako palapit sa kanya. Napakagat-labi ako nang makita ko siyang naka-boxer shorts na lang at wala nang pang-itaas. Hello abs! Weekly na ata tayong magkikita. “Hi…” nakangiti niyang sabi nang huminto ako sa tapat niya. “Why are you here?” Mapanuksong tanong niya kahit alam na alam naman niya ang sagot. “Pinalaki kasi akong matulungin ng mga magulang ko. Nalaman ko na may nangangailan

