KABANATA 42 TINA “Ate, dito ka talaga nagwo-work? Ang saya naman! Palagi kang nasa resort!” excited na sabi ni Angela habang naglalakad kami papunta sa villa na nirentahan ni Blake. Nakasabit sa likod niya ang backpack na pinahiram ko sa kanya para paglagyan ng mga gamit niya. Ang mga gamit ko naman pinalagay ko na lang sa bag ni Blake na siya ang may dala. “Empleyado ako rito hindi bakasyunista. Araw-araw kong nakikita ang mga ‘to pero hindi para magpasarap kundi para linisin.” “Pwede ba ‘kong magtrabaho rito Ate? Nabanggit ng Tita na friend mo raw ang may-ari nito. Pwede mo bang kausapin? Kahit tiga-linis din, payag ako.” “Kahit hindi ko na kausapin si Theo. Kung nangangailangan sila, pwede siguro. May empleyado naman dito na ka-edad mo.” “Pero mas siguradong matatan

