KABANATA 41 TINA Binuksan ko ang pintuan at sinalubong ko sina Blake. “Hi Babe.” Blake, huwag kang ngumiti nang ganyan! Baka sunggaban kita sa harapan ng mga magulang mo! Bakit ang gwapo niya?! Para siyang nagniningnig sa paningin ko ngayon. Dahan-dahan siyang yumuko. Akala ko sa labi niya ako hahalikan pero dumikit ang labi niya sa pisngi ko. Siguro dahil kaharap namin ang mga magulang namin at si Angela nandito rin. Nilapitan ko sina Tita Lorie at nagmano naman ako. “Tina, I missed you!” Niyakap ako nang mahigpit ni Tita Lorie. Pareho kaming excited na makita ang isa’t isa kahit na paminsan-minsan ay nakakausap ko siya kapag kausap ko si Blake sa phone. “I missed you din po Tita.” “It’s nice to see you again Tina.” “Salamat po Tito. Masaya rin po ako na makita kayo.”

