KABANATA 56 TINA Katatapos lang namin mag-usap ni Blake. Alam ko naman na hindi sila magkasama ngayon, pero ewan ko ba at nasa profile na naman ako ni Mela sa f*******:. May bago siyang post. Picture niya sa loob ng kwarto, nakasuot siya ng sexy na lingerie na ang nipis ng tirante at silk ang tela na kulay black. Kalahati lang ng mukha niya ang kita. Hindi niya siguro pinakita nang buo ang mukha niya dahil sabi nga ni Blake kanina, may sugat at pasa siya sa mukha. Pero para sa isang tao na nakaranas ng gano’n, mukhang hindi siya apektado. Nagawa pa niyang mag-selfie. Sa kulay ng pader alam kong sa bahay ‘yon nina Blake. Kinunan niya pati kabilang side ng kama kung saan walang nakahiga at may caption siya na I miss my tapos emoji ng bubuyog ang kasunod. “I love my bubuyog? Ano’ng ibi

