KABANATA 57 TINA Sakay ng bus bitbit ang isang malaking shoulder bag, excited akong lumuwas. Hindi ako nagpasundo kay Blake dahil gusto ko siyang sorpresahin. Habang nakatanaw ako sa labas ng bintana, naalala ko nang huling beses akong sumakay ng bus pauwi sa amin. Tulala ako noon habang namamaga ang mga mata dahil sa labis na pag-iyak. Iniwan ko ang Manila pati ang lalaking mahal ko na hindi ako maalala, pero ngayon, pabalik na ako sa kanya. Sa iisang bubong magsasama uli kaming dalawa. Sabay muling bubuo ng pangarap at unti-unting tutuparin ang mga ‘to. Habang nagmumuni-muni ako at nangingiti mag-isa, nag-ring ang phone ko. Si Blake tumatawag. Hindi ko sinagot ang tawag niya. Video call pa naman ‘yon. Hindi niya pwedeng makita na nakasakay ako sa bus. Magtatanong ‘yon ang mag-uurira

