KABANATA 58 TINA Nagising ako sa tunog ng alarm sa cellphone ko. Nakapatong lang ito sa table na nasa tabi ng kama kaya mabilis kong naabot. Pinatay ko ang alarm bago pa magising si Blake. Tiningnan ko siya at mahimbing pa rin naman siyang natutulog. Napagod siguro siya kagabi. Napangiti ako, napakagat sa ibabang parte ng labi ko at nag-init ang pisngi sa pag-alala sa mga ginawa namin kagabi. Sa lakas ng mga ungol ko, dinig na siguro sa mga katabing unit ‘yon. Nakakahiya, pero bakit ba? Mainggit na lang sila. Basta masaya at masarap ang s*x life naming dalawa. Magka-boyfriend ba naman ako na na-master ang kama sutra at sobrang lakas ng stamina mapapa-ohhh-ahhh ako talaga. Bumaba ako ng kama ng dahan-dahan at naglakad palabas ng kwarto at diretso sa kusina. Ipagluluto ko siya ng agahan

