KABANATA 59

2051 Words

KABANATA 59 TINA Tulad ng sinabi ni Blake, pagdating ko sa condo, inayos ko na ang mga gamit namin. Karamihan mga gamit ko lang dahil may mga damit naman si Blake sa bahay nila. ‘Yung mga binili niyang damit para sa akin noon na nandito pa rin sa condo at hindi ko pa nagagamit, dinala ko rin, dahil konti lang ang mga damit kong dala. Pati mga pinamili namin kahapon inayos ko na rin dahil masasayang kapag iniwan ko rito.  Hindi ko alam kung kailan uli namin magagamit ‘tong condo o kung gusto pa bang bumalik ni Blake dito. Nabanggit kasi niya sa ‘kin na binabalak niyang ibenta na lang dahil kahit nagsabi na siya sa may-ari nitong building na higpitan ang security ay parang wala pa rin. Nang dumating nga ako rito, diretso lang akong pumasok hanggang sa makasakay ng elevator at makapanik sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD