KABANATA 66 Alam kong galit si Blake, pero dahil sa pagod, at emosyong naramdaman ko dahil sa mga nangyari ngayong araw, naiyak na lang ako. Kanina ko pa 'to pinipigilan dahil ayokong umiyak sa harapan ni Theo. Sa tuwing may tutulong luha nga sa mga mata ko pinupunasan ko agad. Hindi ako pwedeng maging mahina sa harapan niya. Hindi kailangan ni Theo ngayon ng isang kaibigan na iyakin at unang-una pang magpapahina ng loob niya. Dahil sa pag-iyak ko, mukhang nakalimutan bigla ni Blake ‘yung galit niya. "Babe, bakit?! Bigla ka na na lang umiyak d’yan. May ginawa bang masama si Theo sa 'yo?! Sabihin mo sa 'kin, masasaktan sa 'kin ‘yung lalaking ‘yon!" Umiling lang ako pero tuloy pa rin sa pag-iyak, kaya niyakap ako ni Blake. "Bakit ka nga umiiyak? Natakot ba kita? Ha? Sorry na. Hindi naman

