KABANATA 67 TINA Tulala pa rin si Theo sa mga nangyari. Hindi na siya umiiyak, at tahimik na lang siya na nakatingin sa isang direksyon. Hindi ko alam kung ano’ng tumatakbo sa isip niya. Hindi pwede ‘yung ganito. Kailangan naming asikasuhin si Tita, ang mommy niya. "Theo, halika na. Kailangan na natin asikasuhin si Tita o kung hindi mo pa kaya, maiwan na muna kita rito. Ako na ang aayos sa lahat," sabi ko sa kanya pero wala pa rin siyang kibo. "Sige, dito ka na lang. Ako nang bahala." Bago ako tumayo sa kinauupuan ko, niyakap ko muna siya. "Malalagpasan mo rin lahat ng 'to." Pagkasabi ko no’n tumayo na ‘ko para umalis, pero pinigilan niya ‘ko at hinawakan sa kamay. "Hindi na kailangan. Ako nang bahala," sabi niya at saka siya tumayo. "May party ka pang kailangan puntahan. Umalis ka na.

