KABANATA 39 MIA “May mga bagong dating ako galing Korea. Oy, authentic ‘yon ah. Padala ng Tita ko. Hindi ako nagtitinda ng fake. Oo, promise kikinis ka do’n. Kita mo naman ‘yung balat ko ‘di ba? Ang face ko glass skin. Oo nga. Sige, bibigyan kita ng samplers. Ano, ire-reserve ko na sa ‘yo? Ilan?” Naglalakad ako sa covered walk malapit sa parking lot ng school nang makita ko si Blake na naglalakad papunta sa kotse niya. Gusto ko sana siyang tawagin kaso may kausap ako sa phone. Kausap ko 'yung suki ng mga tinitinda kong pampaganda. “Sandali. Ilalabas ko lang ‘yung notebook ko.” Kinuha ko muna ‘yung maliit na notebook ko na listahan ng mga pa-order ko at saka ballpen na itim na may pangalan ko. “Okay go. Isang facial wash, dalawang lip tint, isang strawberry, isang cherry. Okay ano

