YESHA’S POV Hindi ko alam kung saan nagpunta si Yua at Mirai dahil dalawa lang naman sila ang umalis. Minsan ay nagseselos na ako dahil si Mirai ang kasama nya imbis na ako. Pero ayos lang dahil naiintindihan ko naman si Mirai. Nang makarating ako sa kulungan ay nginitian ko ang mga pulis ro’n. Nako, kung nandito lang si Yua kanina pa ako nagtititili dahil sa mga g’wapo at maskuladong mga lalake. P’wera na lang sa mga malulusog na iba. Nang makarating ako sa loob ay saka ko pinuntahan si Daddy at Yasha. Hindi naman ako nagtatanim ng kahit anong sama ng loob o kung ano mang galit sa kanila dahil alam kong minahal din naman ako ni daddy in a first place. Nang makarating ako sa kulungan nila ay saka ako binungaran ni Yasha. “Buti naisipan mong dumalaw?” Taas kilay nitong sabi sa ‘kin.

