YESHA’S POV Nagkamalay akong may piring ang mga mata ko. Inamoy ko ang paligid at naamoy ko ang buhangin at ramdam kong malamig ang paligid kaya natitiyak kong nasa isang building kami. Nakaupo ako sa upuan at may tali ang kamay at paa ko. Ramdam kong may iba pa akong kasama. “Tao!” sigaw ng tinig. “Teka, parang kilala ko ‘yon ah?” sabi ko sa sarili ko. Kung hindi ako magkakamali. Malamang si Takira ‘yon. Pero paanong nandito rin sya? “TAO!!!” “Hoy ano ba! Ang ingay mo!” Nagulat ako sa biglang nagsalita. Ang laki ng boses nito. “Kingina naman kase, bakit ang higpit ng tali nyo!” inis na sabi nito. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa sinabi nya. Para syang baliw na hindi ko maintindihan at sa ganitong aitwasyon ay nakukuha nya pang magbiro ng ganyan? Seryoso ba s

