CHAPTER THIRTY FOUR CAN'T FIGHT THIS FEELING ANYMORE ERAH ALERIE POV Dalawang beses nyang sinabing mahal niya ako. He must be dreaming. Tatlong oras na ang lumipas pero tulog pa rin siya. Malamang talaga panaginip lang yon. Nakakatuwa lang dahil ako ang napaginipan niya. Tapos mahal nya pa ako sa panaginip na iyon. Sana sa totoong buhay nalang Aldrin. Sana naman Aldrin hindi lang sa panaginip yon. Sa tatlong oras na lumipas ay hindi ako nagsawang titigan ang mukha ni Aldrin. Ang amo talaga ng mukha niya. Anghel sa lupa. Napakabait. Siya ang epitome ng perpektong lalaki. Napakaswerte ng babaeng mamahalin niya. Buti pa ang babaeng yon. Habang kung anu-ano ang iniisip ko ay bumukas naman ang pinto. Paglingon ko ay ang babaeng posibilidad na maging pinakamaswerte. Ang babaeng pinakamalapit

