CHAPTER THIRTY THREE I CHOOSE YOU, I LOVE YOU ERAH ALERIE (POV) Kapit lang Aldrin. Kapit lang. Huminga ako ng malalim habang nakasakay ako sa mamahaling sasakyan ng aking ama. Tama. Nakasakay ako sa kotse niya. Pinahatid niya ako sa kanyang driver. "Manong driver pakibilisan naman po." Pakiusap ko. "Mabilis na po tayo mam." Tugon ng driver. Si Aldrin ang naiisip ko. Labis ang pag-aalala ko sa kanya. "Mam ang ganda nyo po. Hindi po kayo basta-bastang kabit ni Sir. Dito pa po kayo pinasakay sa paborito nyang sasakyan. Kapag iba po kasi ay sa ibang kotse nya lang." Bigla-bigla nalang nagsalita si manong matapos ang ilang minuto ng katahimikan. Nagpantig ang tainga ko. Saglit akong nawala sa malalim na pag-iisip sa lagay ni Aldrin. "Ano ho?" Tanong ko. Hindi naman siya umimik. "Hindi

