CHAPTER THIRTY TWO TORN BETWEEN TWO MEN ERAH ALERIE (POV) "Huy gago ka Aldrin! Ang lakas ng ulan oh. Bakit mo ako sinundan?" Tumigil ako upang harapin siya. Sumisigaw na rin ako dahil kung hindi ay matatabunan lamang ng pagbayo ng tubig ang boses ko. "Aano ka? Bakit ka aalis?" Nangingig na siya at tila nilalamig. Kahit kaakit-akit ang wet look niya at nakabakat na ang katawan niya sa suot niya ay mas napansin ko pa rin ang lagay niya. Dali-dali akong lumapit upang iabot sa kanya ang payong. "Heto yung payong. Aalis na ako." Saka ako umalis pagkaabot ko sa kanya pero hinigit niya ako pabalik. Hawak niya sa kanang kamay ang payong at nasa likod ko naman ang isang kamay pa niya. Halos masubsob na ako sa mukha niya. Labis na magkadikit ang aming mga katawan. Ang napansin ko ay yung mga

