CHAPTER THIRTY ONE TRUE FEELINGS ERAH ALERIE (POV) Sa kwarto nya pa talaga ako dinala para gamutin. Masino nya akong inalalayan hanggang doon. Hindi ko na alintana ang sakit at tumutulong dugo sa palad ko dahil sa kahibangan ko. Gusto kong sa lalaking ito lang mahibang eh. Sana kasi ganun din siya sa akin. "Dahan-dahan ah." Sambit pa nya pagbukas nya ng pinto ng kwarto niya. Bakit ba sa boses palang nya ay nanghihina na ako? Nanghihina ako pero parang gagaling din ako kaagad. Nakakalito rin eh. Ganito ba ang magmahal sa taong hindi ka naman mahal? Ganito ba ang magmahal ng mag-isa? Magulo. Nakakabaliw. Masaya ka pero sa sarili mo lang at hindi mo mailabas. Pinaupo nya ako sa gilid ng kama saka nya kinuha ang first aid kit sa isang cabinet. Dati sigurong boy scout itong si Aldrin. La

