CHAPTER TWENTY NINE Start of a Game ERAH ALERIE (POV) Sinimulang paandarin ni Bryan Allen ang kotse. Oo, si Bryan Allen, ang kapatid ko sa ama. Kung alam niya lang ang labis kong pagkamuhi sa kanya. Kung alam niya lang ang koneksyon naming dalawa. Punyeta siya. Pero kahit gusto ko na'ng magpasagasa ngayon kaysa sumakay sa kotse niya ay pinili ko pa ring gawin ito. "What the hell are you doing there? For sure galing ka kay Aldrin. LQ na naman ba? What kind of relationship is that?" komento niya to start up a conversation. Hindi ko nga alam kung sasagutin at kakausapin ko siya eh. What the hell!! Siya yung hell! Sila ng magaling niyang ama. Well, dahil sa mga naiisip ko ay pinili kong hindi nalang sagutin ang mga katanungan niya. "Malapit lang ang bahay namin sa kanila. Kapag ganyang ma

