CHAPTER TWENTY EIGHT Almost and All of a Sudden ERAH ALERIE (POV) Yung halik niya mas tumitindi. Punyeta lang hinahalikan niya ako. Lips to lips talaga! Promise! Nakadilat pa rin ako habang pinagmamasdan siya na hinahalikan ako. Kitang-kita ko ang pagpikit niya at kung paano siya nag-eenjoy. Hindi ko nga namalayang sumasabay na pala ang mga labi ko. Hanggang sa tuluyan na ring pumikit ang aking mga mata. Dinama ko talaga ang kiss. Sayang kaya. Masarap pa. okay sige sobrang landi na ng pag-iisip ko ngayon pero susulitin ko na ito. Gusto ko talaga eh. At least hindi ako katulad ng ibang mga babae na overflowing kung mai-express ang pagkagusto sa lalaki. Ako sinasarili ko lang. Hindi ko rin naman kasi sure kung ano na ang status namin. Heto fake relationship pero kapag lasing siya ganito?

