CHAPTER TWENTY FOUR The Deal, This Time Around ERAH ALERIE (POV) "May mga malalaki pa palang puno rito no? Napakaganda talaga ng nature." Pinagmasdan ko ng mabuti mula sa ibaba pataas ang buong kabundukan. Breathtaking ika nga ang view. Malapit din kasi sa paanan ng bundok itong vacation house nila Aldrin kaya inaya ko na rin siya. Game naman siya. Sasamantalahin ko na talaga ito. Bakasyon kung bakasyon. Kung gusto niyang bumawi. Pwes! Heto na yon! "Sana dumating yung panahon na sa ganitong lugar nalang ako nakatira. Masaya. Simple. Kasama yung taong mamahalin ko ng buong-buo at ganun din siya sa akin." Bigla ko nalang iyong nasabi habang patuloy na naa-amaze sa paligid. Paglingon ko sa gilid ko sa gawing kanan ay ang maamong mukha ni Aldrin ang tumambad sa akin. Ayun, todo ngiti siya.

