CHAPTER TWENTY FIVE #Suddenly ERAH ALERIE (POV) Matapos ang press con ay agad na kinuha ni Aldrin ang kaliwang kamay ko. Binigyan niya ng init ang nilalamig kong palad. Punyeta kabado ako ah! Malay ko ba sa kahihinatnan nito. Pero ewan ko ba?! Sa tingin ko parang magiging ayos na ang lahat. Iyon ang nararamdaman ko mula sa kuryenteng dumadaloy sa mga kamay namin ni Aldrin ngayon papunta sa puso ko. Punyeta, ang cheesy ko. Kailan ko pa natutunan yan? Bakit kasi ganito ang nararamdaman ko?! "No need to worry. Nandito lang ako. I'll never leave you hanging again." Sambit niya habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan. Hindi nga ako umiimik dito pero parang nabasa niya ang mga pangamba ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Okay sige side view lang niya ang nakikita ko pero bakas sa

