CHAPTER TWELVE RUNAWAY FAKE BOYFRIEND ERAH ALERIE (POV) Napagod na ako sa pag-iikot sa mall pero hindi ko talaga makita si Aldrin. Pinuntahan ko ang parking area kung saan kami nag-park ng kotse pero wala na roon ang sasakyan ng gago. Hindi rin niya sinasagot ang tawag ko. “Punyeta ka Aldrin! Nasaan ka?!” pagbubugnot ko. Humulas na ang make-up ko. Magulo na rin ang buhok ko dahil walang tigil ako sa paggalaw sa buhok ko. Lakad dito. Lakad doon. Hanap dito. Hanap doon ang ginawa ko pero kahit anino ng lalaking iyon ay hindi ko nakita. Halos hindi na magkandaugaga ang isang security at isang staff ng mall na sumusunod sa akin. Tinutulungan nila akong maghanap, at the same time ay binabantayan nila ako dahil baka tumakas ako. Tumigil ako sa gitna ng maraming tao. Habang paroo’t parito s

