CHAPTER THIRTEEN FRIENDS WILL BE FRIENDS ERAH ALERIE (POV) Pagdating ng bahay ay sa kusina kaagad ako dumiretso. I hate this feeling na pagod ako inside and out. Napapa-english tuloy ako. Punyeta! Aldrin Cortez mamatay ka na! Mamatay na ang lahat ng lalaki sa mundo! Wala kayong mga kwenta! Hindi ko maiwasang makagawa ng ingay habang nasa kusina. Halos padabog ang pagkuha ko sa pinggan at mga kubyertos. Lamon ang gagawin ko ngayon. Hindi naman ako tabain kaya for sure na walang epekto sa katawan ko kahit na gaano pa karami ang kainin ko. Tinungo ko ang ref ngunit halos wala na iyong laman. Hindi pa araw ng palengke ni Tita Lilian. Wala akong karapatang magreklamo. Pagsara ko sa ref ay napansin kong may itlog pula sa lalagyan namin ng condiments. Dagli ko naman iyong kinuha. Walang kamat

