CHAPTER FOURTEEN So Much Hate ERAH ALERIE (POV) “Basta friend magpakipot ka muna! Huwag kang agad-agad magpapahumaling sa kagapwuhan niya. Kahit ako naglalaway na ay huwag ka pa ring magpapaapekto! Kailangan mong magtiis! Hayaan mong dagdagan niya ang kabayaran sa pagpapanggap mo. Mega listen ka rin dapat sa explainess ng gwapo! Dun mo ibase kung ano ang penalty na dapat sa kanya!” payo yan ni Ven. Bubuksan ko nalang ang pinto pero hindi ko magawa dahil sa halos face-to-face na kami pero kung masigawan niya ako ay wagas. “Paano kung narito pala siya para sabihing hindi na tuloy ang usapan?” mahinahong komento ni Kim. “Tse!” sabay naming reaksyon ni Ven. Saka ko na binuksan ang pinto ng kwarto ko. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Akala ko kasi ay hindi na niya ako haharapin eh. Baka

