Nagising si Arman na nakahiga na ito sa hospital bed. Bumamaba ang paningin niya sa natutulog na si Rita, habang yakap nito ang kamay niya. Dahan-dahan na binawi niya ang kamay sa pagkakayap ng dalaga. At masuyo na hinaplos ito sa buhok. Kahit nang hihina at na mamalipit siya sa sakit ng tiyan kagabi ay kitang-kita niya kung paano matakot, mataranta, at mag-alala, ito dahil sa nangyari sa kanya. Nakita rin nito ang pagpipigil ni Rita sa sarili na 'wag maiyak, dala ng labis na kaba. Hindi niya gustong lumikha ng takot sa dibdib ng dalaga. Sadyang nakakainis lang ang tiyan niya at hindi marunong makisama. Kaasar talaga. Pero kahit pa na-ospital siya, dahil sa pagkain ng street foods, ay masaya siya. Ang makita lang niya ito na sarap na sarap sa pagkain ng mga ihaw ihaw ay masaya na siya.

