Namantal at namula agad ang kinapitan ng linta sa binti ko. Ramdam kong makati-kati pa naman iyon at parang gusto kong kamutin nang kamutin. "H'wag mong kakamutin 'yan at lalong mag-iiwan ng bakas 'yan sa katawan mo," sabi ni Steven sa'kin. "Makati eh!" Akmang kakamutin ko na 'to nang hawakan ni Steven ang kamay ko. "H'wag mo sabing kamutin 'yan," mataas ang boses niyang sabi. "E anong gagawin ko?" pabulyaw kong anas sa kaniya. Binuhat niya ako at dinala sa ilog. "Hayan ka na naman Steven! Ibaba mo nga ako." Nagpumiglas ako sa kaniya. "Sshh... H'wag kang magulo at huhugasan natin 'yan para mawala ang pangangati. Kailangang malamigan ng balat mo. Kumakapit kasi ang mga linta sa maiinit ang dugo 'gaya nating mga tao," paliwanag nito sa'kin. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa ilog at y

