"Pasensiya na po kung nagalusan ang tuhod niya, Mam," hinging paumanhin ko sa ina ng bata. "Ayos lang 'yan, Iha. Normal lang sa bata ang magalusan sa paglalaro," nakangiting turan ng ina ng bata. Natuwa naman ako sa ina ng bata dahil napakalawak ng kaniyang pang-unawa. Kung ibang nanay lang 'to tiyak na dadakdakan niya kami ng bongga. May mga super OA pa naman na nanay lalo na pagdating sa kanilang mga anak. "Parang ngayon ko lang kayo nakita, taga rito ba kayo, Iha?" tanong pa nito sa'kin. "Hindi po. Bumisita lang po kami riyan kila Lyn," tugon ko naman dito. "Ah, kayo pala ang sinasabing bisita ng anak nila Mareng Loleng na dumating kahapon," ani nito. "Opo!" At tumango-tango ako sa kaniya. "Kayganda mong dilag, Iha." Puri niya sa'kin. "Salamat po!" nahihiyang tugon ko naman. "G

