Steven Reyes (POV) "Hello, Annie. Please book a flight for me." "Yeah! Going to US," turan ko pa sa kausap na nasa kabilang linya. "As soon as possible!" pinal kong sabi at saka pinindot ang end button call. Pabagsak kong inupo ang katawan sa swivel chair at saka marahang hinilot-hilot ang aking sintido. Nang buksan ko ang pinto ng unit ko kanina ay nasaktan ako nang masaksihan ang ka-sweet-an nina Jana at Christian. Kaya naman pabalagbag kong ibinagsak ang pinto na siyang dahilan ng malakas na pagkalabog niyon. Selos na selos ang pakiramdam ko, ngunit wala naman akong magawa. Wala akong magawa dahil ni katiting na karapatan kay Jana ay wala rin ako. Nakapagdesisyon akong umalis na lang ng bansa at doon ko susubukang kalimutan ang dalaga. "Boss!" malakas na tawag ni Ryan na siyan

