Jamie Ann 'Jana' De Castro (POV) Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw dahil sa naging abala rin ako sa pagharap sa mga trabaho. Sa loob ng mga araw na 'yon ay himalang 'di rin ako inabala ni Steven. Mula nang manggaling kami sa tabing dagat ay hindi na ito masyadong naglalalapit sa'kin. Bagay na ikinalulungkot ko. Itinuturing kong isa sa mga importanteng tao sa buhay ko si Steven. Isa sa pinakamahalagang kaibigan ko, na siyang tagapagligtas ko sa bawat oras na nasa kapahamakan ako. Kung matuturuan ko lang sana ang pusong piliin si Steven, hindi ako magdadalawang isip na piliin ito. Pero si Christian ang mahal ko mula pa man noon ay ito na ang mahal ko. Kaya hindi ko magawang piliin si Steven. Tunog ng incoming call ng cellphone ko ang pumukaw sa aking malalim na pag-iisi

