Steven Reyes (POV) Naramdaman ko ang masuyong paghaplos sa aking pisngi. Pamilyar sa'king balat ang kamay na dumadampi. "Steven..." Narinig ko ang malamyos na tawag sa'kin ni Jana, habang patuloy sa paghaplos ang kamay nito sa aking pisngi. Parang ayokong idilat ang mga mata ko at baka ito'y isang panaginip lamang. "Steven..." Narinig kong tawag muli sa'kin ng dalaga kasabay ng mahinang pagyugyog niya sa aking katawan. Iminulat ko ang mga mata at nag-aalalang mukha ng babaeng pinakamamahal ko ang aking nasilayan. "Jana..." "Steven," naluluhang wika nito. "Thanks, God! Gising ka na!" Nabigla ako nang biglang yakapin nito. Sa pagkakaalala ko ay natulog lang naman ako matapos kong bantayan ito kagabi. "Ano'ng nangyayari?" takang tanong ko sa kaniya. "Dalawang araw ka nang 'di nagi

