Steven Reyes (POV) "Sshh... Relax! Nandito na ako," bulong ko sa dalaga habang yakap ito ng isa kong braso. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ni Jana kaya lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kaniyang katawan. Nasaktan ako nang ipamukha niya sa'kin na may asawa na siya na walang iba kundi si Christian. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. "Jana!" pabulalas kong sigaw. Maagap kong sinalo ang pabagsak ng katawan nito. Kinarga ko ang katawan ng dalaga at inilapit ang pisngi ko sa kaniyang pisngi upang pakiramdaman ang paghinga nito. Marahil ay ninerbiyos ito sa narinig na putok ng baril kung kaya't hinimatay ito. "Jana!" muling tawag ko rito at mahinang niyugyog ito. Nakalapit na ang lalaking may hawak ng baril at saka itinutok niyon sa amin. "

