"Babe, bakit nariyan ka sa sofa?" tanong ko kay Christian. Nakaupo ito sa may sofa at nakamasid lamang sa ginagawa kong pagpapagpag ng mga unan at kutson dito sa kama. "Are you sure, okay lang sa'yo na magkatabi tayo sa iisang bed?" alumpihit nitong tanong sa'kin. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kandungan niya. Ipinulupot ko ang dalawang braso ko sa kaniyang leeg. "Babe, I trust you!" pausal kong sambit sa kaniya. Kumapit ang mga kamay nito sa aking baywang at pinagdikit ang aming mga mukha. "Pa'no kung masira ko ang trust mo?" pabulong nitong usal. "Anuman ang mangyari, may tiwala ako sa iyo, Babe." Pinisil ko ang kaniyang pisngi. Ngumiti ito sa'kin. "I love you!" "I love you, Babe!" Tinawid ko ang pagitan ng aming mga labi at ako na mismo ang humalik sa kaniya. "I love you!"

