Dumating si Christian sa mismong araw ng kasal nina Lyn at Bryan. Hindi nito kinayang magbiyahe kahapon dahil maraming trabahong tinapos ito at naunawaan ko naman iyon. Sa simbahan na siya mismo dumating at saktong hindi pa nagsisimula ang seremonyas ng kasal. “I miss you, Babe!” bulong nito sa’kin nang lapitan ako. “I miss you, Babe!” ganting usal ko sa kaniya. “Nag-enjoy ka ba sa bakasyon mo rito?” tanong nito. “Okay lang, isa pa hindi naman talaga bakasyon ‘yon,” nakalabing turan ko. Nginitian ako nito at pinisil pa niya ang ilalim ng baba ko. Tumunog ang bell senyales na uumpisahan na ang seremonyas ng kasal. "Punta muna ako sa pwesto ko ha." Paalam ko sa kaniya. "Okay, Babe! I love you!" malambing nitong turan. "I love you, Babe!" tugon ko naman sa kaniya. Nagsimulang tum

