Tuluyan na ngang nawala ang kalasingan sa aking katawan. Pakiramdam ko ay muli ko na namang nasaktan ang damdamin ni Steven. ‘Di ko man gusto pero wala akong magawa. Hindi ko man siya gustuhing saktan ay para ko pa rin siyang pinaasa sa wala. Nakukunsensiya ang pakiramdam ko kahit alam ko naman sa sarili kong wala akong ginawa. Kung wala nga bang talaga. Humagulgol ako ng iyak at nanatili ako roon sa ganoong ayos. Naramdaman ko ang paglapit ng kung sino pero 'di ko iyon nilingon. "Jana," malamyos na tawag sa'kin ni Lyn. "Tahan na, Jana." Pagpapatahan naman sa'kin ni Ice. “Sorry…” Hinging paumanhin ko kay Lyn. "Moment mo sana 'to pero nakikiepal pa ako," hikbing anas ko pa. “Ikaw naman kasi dapat ‘di mo masyadong sineryoso ang panghahamon,” saad ni Ice. "Ice!" pagalit na b

