Pagkatapos kumain ay nag-aya si Bryan na mag-bonfire na sinang-ayunan naman ng lahat. Nagpaningas ng apoy ang mga lalaki samantalang kaming tatlo naman nina Lyn at Ice ay nakaupong nagmamasid lamang sa isang tabi. “Ang gwapo talaga ni Papa Steven noh? Walang kakupas-kupas ang kaniyang itsura,” nakapalumbabang sambit ni Ice. “Gwapo na ‘yan?!” mataray na asik ko sa kaniya. Humagikhik ito sa’kin, “Wala ba talaga siyang pag-asa sa’yo?” “Ikakasal na ako,” seryosong sagot ko at bumuntong hininga ako. "What???" magkapanabay na turan nilang dalawa ni Lyn. "You mean..." Hinawakan ni Lyn ang kamay ko at tinitigan niya ang daliri kong nakasuot ng diamond ring. "Oh my God! It's really official?" Paniniyak pa sa'kin ni Lyn. "Yes!" tugon ko sa kaniya. "Pa'no na si Papa Steven?" malungkot na t

