"Ang mga w*langhiya, hindi marunong mahiya!" gigil ko pang bulong. Bubulong-bulong akong bumalik sa lamesa namin ni Christian. "Saan ka galing, Babe?" napaigtad ako sa tanong ni Christian. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa'kin. "Diyan lang sa may comfort room," inis kong sagot sa kaniya. Ang inis ko kay Steven ay nabunton ko kay Christian. Pero may kasalanan naman din talaga 'to sa'kin dahil naalala ko 'yong babaeng kerengkeng na lumapit sa kaniya sa stage. May paghaplos pa talagang nalalaman! "Galit ka ba, Babe?" Umupo ito sa aking tabi at inakbayan ako. "Akala mo ba hindi ko nakita 'yon?" paismid kong anas sa kaniya. "Ang alin?" maang-maangan niyang turan. Muli kong inirapan ito at 'di na kinibo. "Nagseselos si Jana, Bro!" kantiyaw ni Leo. "Sa susunod kasi Bro, b

